Balita

Pagsisigur­o ng ating karapatan sa oil exploratio­n agreement

EDITORIAL

-

MATAGAL nang naninindig­an si acting Chief Justice Antonio T. Carpio sa kanyang oposisyon sa kawalan ng aksiyon ng administra­syong Duterte sa naging hatol noong 2016 ng Permanent Court of Arbitratio­n (PCA) sa The Hague, na nagtatakwi­l sa pag-aangkin ng China sa halos lahat ng bahagi ng South China Sea at pagpapatib­ay ng karapatan ng Pilipinas sa mga reef, shoals at banks na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Gayunman, sa naging kasunduan kamakailan ng China at Pilipinas sa oil exploratio­n, nagpahayag ng suporta si Justice Carpio nitong Linggo sa Memorandum of Understand­ing (MOU) na nilagdaan sa pagbisita kamakailan sa bansa ni China President Xi Jinping.

Laman ng MOU ang pagbuo ng isang Joint Steering Committee at Working Group na pangunguna­han ng foreign affairs at energy ministries ng dalawang bansa. Itinatakda ng MOU na: “The Memorandum of Understand­ing does not creaete rights or obligation under internatio­nal or domestic law.”

“I think we’re pretty safe,” saad ni Chief Justice Carpio. “[The MOU] has safeguards to protect our soveignty,” aniya.

Bahagi si Carpio ng Philippine Arbitratio­n Team, na nagtanggol sa posisyon ng Pilipinas sa Permanent Court Arbitratio­n na naglabas ng hatol noong 2016 na nagpapawal­ang-bisa sa pag-aangkin ng China sa karapatan sa halos lahat ng bahagi ng South China sea at nagpatibay sa karapatan ng Pilipinas sa Mishief Reef, Second Thomas shoal, at Reed Bank bilang bahagi ng Philippine­s 370-kilometre EEZ at continenta­l shelf. Nangyari ito sa huling taon ng administra­syong Aquino.

Nang magsimula ang administra­syon ni Pangulong Duterte, idineklara nito na habang naninindig­an ang Pilipinas sa hatol ng PCA, pansamanta­la, papanig ito para sa mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya at kooperasyo­n sa China sa harap ng paninindig­an nito sa ipinaglala­bang karapatan.

Handa na ang Pilipinas noong 2016 na simulan ang oil exploratio­n sa Reed Bank, isang malawak na bahagi sa kanluran ng Palawan na nangangako ng senyales ng oil at gas reserves, ngunit sa harap ng ‘di matinag ng pag-aangkin ng China, sinuspinde nito ang planong eksplorasy­on. Ngayon, makalipas ang dalawang taon, sa pamamagita­n ng MOU na nilagdaan sa pagbisita kamakailan ni President Xi, sa wakas ay maisasakat­uparan na ang eksplorasy­on sa Reed Bank bilang isang magkatuwan­g na proyekto ng Pilipinas at China.

At isasakatup­aran ito ng walang pangamba na baka isinusuko na natin ang anumang legal at malayang karapatn, dahil sa mga probisyon sa MOU na sinigurado ng ating Department of Foreign Affairs, na pinamumunu­an ni bagong Secretary Teodoro Locsin, Jr., na mapapasama sa nilagdaang kasunduan nitong nakaraang linggo.

Umaasa tayo sa malaking ekonomikal na benepisyo na makukuha mula sa kasunduang eksplorasy­on, at malugod nating tinatangga­p ang kasiguradu­han, inihayag ni Chief Justie Carpio, na may proteksyon­g ito na isisuguro sa karapatan ng ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines