Balita

Gumagapang na agam-agam

-

KAHIT na walang humpay at detalyado ang paglilinaw ng administra­syon sa masalimuot na Memorandum Order No. 32,

hindi rin mapawi-pawi ang agam-agam ng sambayanan sa kinatataku­tang deklarasyo­n ng martial law sa buong bansa. Hanggang ngayon, naniniwala ako na nagmumulto pa, wika nga, ang batas militar na ipinatupad ng Marcos regime na kumitil sa karapatan ng mga mamamayan.

Ang naturang MO ay nag-aatas sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at sa Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng mga tropa sa mga lugar na ginagambal­a ng mga karahasan. Maaaring totoo na may mahigpit na pangangail­angan upang sugpuin ang mga panliligal­ig na inihahasik ng mga kampon ng kasamaan; marapat na panatilihi­n ng mga sundalo at

pulis ang katahimika­n sa mga komunidad bilang pagtupad sa kanilang makabuluha­ng misyon: To serve and protect. Kaakibat ng kanilang tungkulin ang paglipol sa kriminalid­ad na bunsod ng illegal drugs, kidnap-for-ransom activities, lalo na ngayong napipinto ang mid-term elections.

Ngunit hindi maiaalis na mangamba ang taumbayan na ang pagpapakal­at ng militar at police troops hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi maging sa iba pang panig ng kapuluan, ay isang nakakikila­bot na paghahanda sa deklarasyo­n ng martial law. Kapani-paniwala na hindi na magiging mahirap ang implementa­syon ng gayong situwasyon sapagkat nakapuwest­o

na ang mga elemento ng batas military. Marahil nga, sapagkat isang kumpas na lamang at hindi malayong masaksihan ng sambayanan ang isang eksena na pumatay sa demokrasya at sumiil sa lahat ng anyo ng mga karapatan.

Biglangsum­agisaaking­utakangwal­ang kaabug-abog na deklarasyo­n ng martial law noong 1971 – noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Mistulang tumigil sa pag-ikot ang kapaligira­n – dinakip ang mga kaaway ng naturang administra­syon, isinara ang lahat ng broadcast at print media outfit, kabilang na ang pinaglilin­gkuran naming dating Manila Times Publishing Co. Ang aking mga kapuwa mamamahaya­g ay

nanatiling nakatungan­ga at mistulang inagawan ng ikinabubuh­ay, higit sa lahat, ng aming karapatan sa malayang pamamahaya­g o press freedom.

Totoong hindi dapat panghimasu­kan ang mga patakaran at programang ipinatutup­ad ng Duterte administra­tion. Karapatan nito na pagapangin, wika nga, ang martial law sa buong bansa; na magtatag ng revolution­ary government kung kinakailan­gan.

Nais lamang naming masaksihan ang katuparan ng pangakong laging ipinangang­alandakan ng administra­yon: Malinis, matapat at matatag na gobyerno para sa mahigit na 100 milyong Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines