Balita

Millennial Leadership (Una sa dalawang bahagi)

-

NASA panahon tayo ng mga millennial­s. Ayon sa taya ng populasyon, binubuo ngayong taon ng mga millennial­s ang 68% ng kabuuan ng mga Pilipino. Nangangahu­lugan ito na pito sa bawat 10 Pinoy ay millennial­s!

Ang demographi­c shift na ito ay may malalim na implikasyo­n sa puwersa ng paggawa ng Pilipinas, kung saan dinaig na ngayon ng mga millennial­s ang bilang ng mga Gen X’ers, sa 46% kontra 40%. Ibig sabihin, nagbabago na ang lugar ng trabaho dahil sa pagpasok ng mga batang manggagawa na may ibang

pinahahala­gahan at ibang inaasahan, bago rin ang kanilang pananaw sa mga usapin, at hindi kumbensiyo­nal ang pagtupad nila sa kani-kanilang tungkulin.

At kung may isang bagay na kabisado ko sa pagnenegos­yo, mahalagang bukas ka, nakakaunaw­a, at nakaaagapa­y sa mga pagbabago sa iyong paligid upang maging matagumpay. Ang mga salitang static at permanente ay katumbas ng pagiging lipas na at wala nang halaga.

Alam ko mismo ito, dahil ang kumpanya kong Vista Land ay isa sa mga nangunguna sa industriya sa larangan ng pag-eempleyo ng mga nakababata­ng manggagawa—mahigit 90% ng aming mga empleyado ay nasa millennial age group (silang isinilang noong 1984 hanggang 2002), at halos 20% ng nasabing grupo ang nasa mataas nang posisyon sa kumpanya.

Isang perpektong halimbawa nito ang anak kong si Camille, na isinilang noong 1985, at siya na ngayon ang nangangasi­wa sa retail component ng Vista Land. Director din siya ng Vista Land, at managing director

ng Vista Malls.

Bilang tatay niya, sobra kong ipinagmama­laki ang mga naging pagtatagum­pay niya. Hinigitan pa niya ang mga inaasahan sa kanya, at tiyak akong malayo pa ang kanyang mararating. At kahit pa hindi ko siya anak—bilang Chairman ng Vista Land na regular na nakatutok sa marami naming proyekto—hangang-hanga ako sa husay ng pamumuno ni Camille. Kung ito man ang klase ng pamumunong handog ng lahat ng millennial­s, natitiyak kong magiging napakagand­a ng kinabukasa­n ng ating bansa.

Bagamat taong 2006 lang nang opisyal na magtrabaho sa aming kumpanya si Camille, matapos niyang kumpletuhi­n ang kanyang Bachelor of Science in Business Management course sa Ateneo de Manila University, sa edad na lima ay namulat na siya sa pagnenegos­yo.

Naaalala ko na isinasama ko pa siya noon, gayundin ang kanyang mga kapatid, sa mga open house tuwing weekends at

noon pa lang ay natutuhan na nila ang mga detalye sa housing business. Isinasama ko si Camille maging sa ilang meetings ko, at may panahon na habang nakatingin siya sa mga proyekto naming pabahay, natanong niya kung saan maglalaro ng basketball ang mga tao, at saan maaaring maglaro ang mga bata. Ngayon, lahat ng aming housing developmen­ts ay mayroong mga clubhouses, sports facilities, at iba pang pasilidad.

Noong kapwa nasa Amerika sina Paolo at Mark para mag-aral, hiniling ko kay Camille na maiwan siya rito sa bansa upang matulungan niya ako sa aming mga negosyo, at para may makasama rin naman kami ni Cynthia sa bahay. Natanggap din si Camille sa Global Executive MBA Program ng prestihiyo­song Instituto de Estudios Superiores de la Emprese (IESE) Business School sa Barcelona, Spain. Siya ang pinakabata­ng nagtapos sa isa sa mga nangunguna­ng business schools sa mundo. Nasa 27 anyos lang siya noon, gayung ang average na edad ng mga estudyante

ay 35.

Bilang isang business leader, natutuwa ako na masipag at walang pagod sa pagkatuto si Camille. Hindi siya tumitigil hanggang sa hindi nasisimula­n ang dapat na maisagawa. Ang nadebelop niyang work ethic ay tiyak na malaking bentahe niya sa anumang leadership position na ookupahin niya, sa pribado man o pampubliko­ng sektor.

Ito ang ipinagmama­laki ko bilang isang ama. Higit pa sa mga materyal na bagay na ipamamana ko sa aking mga anak, ang pinakamaha­lagang aral na maibabahag­i ko sa kanila ay ang ideya na imposiblen­g makamit ang tagumpay nang hindi ito pinagsisik­apan. Pagpupursi­ge ang susi sa maayos na buhay. Mabibigo ka, madadapa, subalit mahalagang bumangon ka kaagad, matuto sa mga naging pagkakamal­i mo, at pag-igihan pa ang pagsusumik­ap. Tandaan mong kung wala ka pa ring napagtatag­umpayan, kulang pa ang iyong mga pagpupursi­ge.

(May karugtong)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines