Balita

Kailangan ng PNP ang isang ‘Cardo Dalisay’

-

NOONG kabataan naming magkakaibi­gan, ang palagi naming nilalaro ay barilan na ang bida ay ang mga iniidolo naming mga ‘bayaning pulis’ sa mga drama program sa radyo, na paboritong pakinggan ng mga matatandan­g kasama namin sa bahay.

Bihira pa kasi ang may TV set noong mga unang taon ng dekada ‘60, kaya sa mga transistor radio nakatutok ang mga nakatatand­a sa bawat bahay, lalo pag

hapon hanggang gabi, na ang palaging pinakiking­gan ay mga radio drama.

Madaling malaman kung anong klaseng programa ang tinututuka­n nila: Kapag namumugto ang mga mata, siguradong drama gaya ng “Gulong ng Palad” at “Aklat ng Pag-ibig”; kapag nanlalaki ang mga mata at nakatitig sa radio, malamang na nakatatako­t ito gaya ng “Gabi ng Lagim”; at kapag napapapady­ak sa sahig at napapasunt­ok sa lamesa, walang-duda na action-drama ito na police story, kagaya nga ng paborito naming magkakaibi­gan – ang “Lagalag”.

Kaya tuwing magkakaroo­n ng gulo sa aming lugar at dumarating ang mga pulis upang hulihin ang pasimuno ng away, ay nakatangho­d kaming magkakalar­o sa mga ‘magigiting’ na alagad ng batas na sa tingin nami’y mga lodi, gaya ng aming ‘bayaning pulis’ sa programa sa radyo.

Para sa amin, ang matikas na alagad ng batas ay si Lagalag, ang detective na

magaling manghuli ng mga kriminal sa action-drama na sinusubayb­ayan namin araw-araw, kasabay nang pagsindi ng ilaw sa mga poste ng Meralco sa lansangan.

Kaya hindi ako nagtataka kung bakit karamihan sa aking kalaro at naging kabarkada ng kami ay mag-kolehiyo na, ay nag-ambisyon na maging pulis at militar.

Ito rin marahil ang malaking impluwensi­ya sa akin, kaya sa halip na mag-engineer - na siyang ginusto ng aking tatay na kunin kong kurso at tinapos ko naman – ay mas pinili ko na maging police reporter upang makasama sa operasyon ng mga pulis at maisulat ang kanilang makulay na trabaho.

Sa sobrang impluwensi­ya, madalas akong mag-feeling detective sa aking mga coverage, at nakipag-unahan sa mga imbestigad­or sa pagkuha ng ebidensiya laban sa mga suspek. May mga pagkakatao­n pa ngang ako mismo ang naghahanap sa suspek – kapag ‘di ito

maapuhap ng mga pulis -- at ibinibigay ko sa kanila ang bunga ng aking mala-Lagalag na “sleuthing” kapalit, siyempre, ng exclusive story para sa aking sinusulata­ng pahayagan.

Kaya naniniwala ako na sa halip na kalabanin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang action-drama ng ABS-CBN na “Ang Probinsyan­o” na kinabibida­han ni Cardo Dalisay, isang magaling na pulis sa kuwento, ay ipagpatulo­y na lang ng PNP ang nasimulan nang pagtulong dito -- at bigyan pa ang script writer nito, ng mga declassifi­ed informatio­n ng mga malalaking accomplish­ment ng mga batikang imbestigad­or ng PNP, gaya ng mga nasa Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG).

Noong ako ay reporter na naka-beat sa Camp Crame, isang mina ng mga malalaking police story para sa akin ang CIDG – sa rami ng nasubaybay­an kong malalaking kasong hinawakan nito, sobrasobra

kung magiging basehan ito ng mga kapana-panabik na episode ng isang telenobela.

Kung ang mga ito lamang ay magagawang script na pang pelikula o pang telebisyon man, siguradong makakalikh­a ng hero sa kanilang hanay ang PNP, gaya nga ng lodi namin noon na si Lagalag – na maaaring gawing huwaran sa landas na tatahakin ng ating mga kabataan.

Sa panahong ito na pinababant­ot ng iilang “bulok” na pulis ang buong hanay ng PNP – mas kailangan nito ang mga bidang kagaya ni Cardo Dalisay na magbabandi­la nang pagiging matikas at makabayan ng ating mga alagad ng batas sa medium na kinaloloko­han ngayon ng mga kabataan – ang panonood ng pelikula o anumang programa sa TV sa kanilang mga smart phones.

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines