Balita

Devon, iwas pa ring pag-usapan si Kiko

- Nora V. Calderon

IGHT months na palang Kapuso star si Devon Seron, at nang pumasok siya sa network ay hindi na siya nawalan ng project, mag-guest sa iba’t ibang shows ng GMA, at itong Asawa Ko, Karibal Ko ang first teleserye niya. Nagpapasal­amat naman siya dahil lahat daw ng cast na kasama niya ay mababait sa kanya. Gumaganap siyang kapatid ni Kris Bernal sa top Afternoon Prime series. Aniya, napaka-friendly ni Kris at nagbibigay din ito ng tips sa acting sa kanya, lalo na kung medyo mahirap ang eksena.

Walang katambal si Devon kaya natanong siya tungkol sa relasyon nila ng isa pang Kapuso actor na si Kiko Estrada. Ayaw umamin ni Devon na may relasyon na sila, pero si Kiko, kapag tiningnan mo ang mga posts niya sa kanyang Instagram, hindi maikakaila na meron na silang relasyon.

“Ang masasabi ko lang po, masaya ako kapag magkasama kami ni Kiko,” sagot ni Devon. “Pero hindi po kami madalas na nakalalaba­s ngayon dahil pareho kaming may work. Busy ako sa taping namin dito.”

Biniro tuloy si Devon na ang guwapoguwa­po ni Kiko at maraming pwedeng magkagusto­ng babae, kaya swerte niya kung magiging sila talaga ng aktor.

“Maswerte rin po naman ang magiging boyfriend ko, kaya it’s a tie.”

Bakit niya sasabihing maswerte si Kiko kung siya ang magiging girlfriend?

“Ha? Hindi ko naman po sinabi na si Kiko,” natatawang iwas pa rin ni Devon.

Pero sabi ni Devon, ayaw muna niyang magkaroon ng lovelife dahil siya ang bread-winner sa family, kaya naka-focus talaga siya ngayon sa kanyang work. Thankful siya na hindi rin siya nawawalan ng ginagawang movie.

Tampok din sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Rayver Cruz, Thea Tolentino, Lotlot de Leon, Maricris Garcia, Jean Saburit, at Ricardo Cepeda. Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines