Balita

NU Bullpups, angat sa UE belles

- Marivic Awitan

NAKABANGON ang National University mula sa dalawang dikit na talo matapos igupo ang University of the East, 25-18, 2518, 25-13, kamakailan sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa FEU-Diliman Gym.

Tumapos na may 11-puntos si Faith Nisperos na kinabibila­ngan ng 6 na service aces habang nagdagdag si reigning MVP Mhicaela Belen ng 9 na puntos at 5 digs upang tulungan ang Junior Lady Bullpups na tapusin ang eliminatio­ns bilang No. 1 team sa markang 10-2.

Sa iba pang laro, umiskor si Angel Canino at Alleiah Malaluan ng tig-16 puntos upang pamunuan ang De La Salle-Zobel sa 25-22, 2515, 23-25, 25-16 panalo kontra Far Eastern University-Diliman.

Gaya ng NU, tumapos ang Junior Lady Spikers na may markang 10-2, ngunit bumaba ang huli sa No. 2 dahil lamang sa match points ang una.

Nagposte naman si Renee Lou Penafiel ng 17-puntos kasunod si Imee Hernandez na may 16 puntos at 7 digs para pamunuan ang University of Santo Tomas sa paggapi sa Adamson University, 25-23, 25-22, 25-18.

Nagtapos ang Junior Tigresses na No. 3 taglay ang markang 8-4 habang pang-apat naman ang Baby Falcons na may 7-5 kartada.

Sa boys division,inunsiyami ng FEU-Diliman tangka ng NU na outright entry sa Finals matapos niyong padapain ang huli, 21-25, 25-23, 25-22, 25-21.

Pinatalsin naman ng titleholde­r UST ang University of the East, 19-25, 25-18, 25-16, 25-7, habang pormal na pinapasok ang Adamson University na nagwagi sa De La Salle-Zobel, 25-19, 25-17, 21-25, 2515 sa Final Four bilang pang-apat.

Tumapos ang Bullpups na top seed hawak ang barahang 13-1, habang magpi playoff pa ang Tiger Cubs at Baby Tamaraws upang pagagawan ang second spot at huling twice-to-beat incentive makaraang magtabla sa 10-4 kasunod ang Baby Falcons na may barahang 9-5.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines