Balita

Warriors, balik ang pananalasa; Spurs, lusot sa Bulls

-

OAKLAND, Calif. (AP) — Muli, nasabak ang Golden State Warriors sa dikdikang laban. At sa ikatlong sunod na laro, nanindigan si Kevin Durant.

Nagsalansa­n ang one-time MVP ng season-high 49 points, tampok ang dalawang krusyal na three-pointer para sandigan ang Golden State sa 116-110 panalo kontra Orlando Magic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nakumpleto ni Durant ang three-point play may 1:19 sa laro bago naisalpak ang threepoint­er sa huling 22 segundo para sandigan angWarrior­s sa ikatlong sunod na panalo matapos tuldukan ang fourgame losing skid.

Kumikig din si Klay Thompson sa naiskor na 29 puntos para maibsan ang kakulangan sa opensa ng Golden States bunsod nang patuloy na pagkawala nina two-time MVP Stephen Curry at All-Star Draymond Green.

Naisalpak ni Thompson ang ikaanim na three-pointer para maitabla ang iskor sa 110-all may 1:45 sa laro.

Nahanay si Durant sa listahan ng kasaysayan ng Warriors na nakapagtal­a ng magakasuno­d na 40-point games tulad nina Rick Barry, Wilt Chamberlai­n, Curry, Antawn Jamison, Purvis Short at Thompson.

Nanguna si Nikola Vucevic sa Magic sa naiskor na 30 puntos at 12 rebounds.

SPURS 108, BULLS 107

Sa Chicago, naungusan ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni LaMarcus Aldridge na may 20 puntos, ang Bulls.

Hataw din si DeMar DeRozan sa nakubrang 21 puntos at tumipa si Patty Mills ng 17 puntos.

May pagkakatao­n ang Chicago na maagaw ang panalo, ngunit sumablay ang threepoint­er ni Zach LaVine at short jumper ni Ryan Arcidiacon­o sa buzzer.

Nanguna si Lavine sa Bulls na may 28 puntos, habang tumipa si Juston Holiday ng 17 puntos.

Sa iba pang mga laro, ginipa ng Boston Celtics ang New Orleans Pelicans, 124107; pinasabog ng Washington Wizards ang Houston Rockets, 135-131; dinaig ng Charlotte Hornets ang Milwaukee Bucks, 110-107; at nginata ng Minnesota Timberwolv­es ang Cleveland Cavaliers, 102-95.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines