Balita

Yam, idol ng mga kabit

- Yam

BUMANDERA sa TV Patrol, nitong Martes, ang Halik actress na si Yam Concepcion dahil sa pagkilala sa kanya bilang Trending Actress of 2018 ng Philippine Social Media awards. Trending ngang masasabi ang acting na ipinakita ni Yam bilang si Jade sa seryeng Halik, kung saan kasama niya ang batikang aktor na si Jericho Rosales na gumanap bilang kanyang asawa.

Sa panayam ng TV Patrol sa aktres, aniya’y masaya siya dahil kauna-unahang award daw niya ito. “This is my first ever award so it makes it even more special, Most Trending Teleserye actress for Halik.”

Matatandaa­ng isa sa mga trending scenes sa serye ay ang confrontat­ion nina Jade (Yam) at Lino (Jericho) sa parking lot ng isang mall at naghahamun­an sila ng hiwalayan dahil sa nakitang sex video nina Jade at Ace (Sam Milby).

Sabi ni Yam sa eksenang ‘yun, “One take lang ‘yun lahat. Grabe intense ‘yung eksena na ‘yun. After nu’ng eksena, umiiyak pa rin ako,” natatawang sabi ng trending actress. Naaliw naman si Jade sa sari-saring reaksyon ng mga tao sa pagganap niya bilang kabit, na kalauna’y binansagan pa siyang “Pambansang Kabit.” “Sometimes they take it too personally. They think that I’m really malandi, that I’m really mataray,” sabi ni Yam. Minsan daw ay sinubukan niyang bumili ng street foods at tuwangtuwa raw sa kanya ang tindera kasi nakaka-relate daw ito sa role ni Jade. “Idol kita. Kabit din kasi ako,” sabi ng tindera, na ikinagulat daw niya.

Ss ngayo ay mas kaabang-abang ang tinatakbo ng kuwento ng Halik dahil buntis si Jade. Nagkabati na sila ni Ace at may bagong babaeng umeeksena sa katauhan ni Bianca King.

 ??  ??
 ??  ?? Ador V. Saluta
Ador V. Saluta

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines