Balita

Naaksident­eng Grab passenger, patay na

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Matapos na maging kritikal ng mahigit isang buwan, tuluyang binawian ng buhay ang isang estudyante na nagtamo ng matinding pinsala sa utak sa isang aksidente sa Ermita, Maynila noong Oktubre 26.

Sa isang Facebook post, inanunsiyo ni Isabe Ocliasa na sumakabila­ng buhay na ang kanyang pamangkin na si Marko de Guzman, 20, mechanical engineerin­g student ng University of Santo Tomas, habang naka-confine sa ospital.

“Now, he (Marko) is free of the pain. He sees his family strong and vowing to take care of his Nanay Belot, sister Erika, and Ninang Lourdes while he’s away,” post ni Ocliasa.

Si Marko ay naaksident­e sa Taft Avenue, kanto ng United Nations Avenue sa Ermita noong Oktubre 26, dakong 4:00 ng madaling araw.

Sakay ang biktima sa Grab car, kasama ang kaibigang si Alia, at natulog sa biyahe.

Gayunman, sinasabing nakaramdam ng antok ang Grab driver at nakabangga­an nito ang isa pang sasakyan na lumiliko pakaliwa sa isang ‘no left turn corner’ sa naturang lugar.

Dahil mabilis umano ang takbo ng Grab driver ay hindi ito agad nakahinto matapos ang banggaan at dumiretso at tumama sa poste ng LRT na may scaffoldin­gs.

“Now, his brain will never be confused, because he will watch from above as his friends and family tell the story of his life and how amazing he was as a friend, a nephew, a cousin, and the best kuya and son ever,” ayon pa kay Ocliasa.

“Thank you all for the prayers, thank you for the overflowin­g love and support. Thank you for hoping with us and believing in Marko,” aniya pa. “Our #MightyMark­o is now an angel.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines