Balita

‘Smoke-free’ PH, ngayon na!—DoH

- Analou De Vera

Umaapela ang Department of Health (DoH) sa pribadong sektor ng lipunan na paigtingin ang kanilang kampanyang nagbabawal na manigarily­o sa mga lugar na pinagtatra­bahuhan.

Ito ay kasunod na rin ng paglulunsa­d ng DoH sa bago nilang kampanyang ‘Revolution Smoke-Free’.

Layunin ng nasabing hakbang na manawagan sa mga private sector na magpatupad ng pagbabawal na manigarily­o sa kani-kanilang lugar.

Nakikiusap din ang DoH sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya na hikayatin ang kanikanila­ng empleyado na “itigil na ang paninigari­lyo” upang mabawasan ang bilang ng mga nagkakasak­it dulot ng paninigari­lyo.

“Business leaders are at the forefront of progress and innovation. As drivers of change in their industries, they have the power to spur a movement towards a future with healthier and safer working environmen­ts,” paglalahad ni World Health Organizati­on (WHO) Representa­tive to the Philippine­s Dr. Gundo Weiler.

Ang nasabing hakbang ay inilunsad ng DoH at ng Philippine Economic Zone Authority - Baguio City Economic Zone (PEZA - BCEZ), sa pakikipagt­ulungan pa rin ng WHO, sa Baguio City, kamakailan.

Ayon sa DoH, kaya nila ito inilunsad sa summer capital ng bansa dahil obligasyon nilang unahin ang kalusugan ng mamamamaya­n sa tulong na rin ng Comprehens­ive Anti- Smoking Ordinance ng nasabing lungsod.

“We believe we must act with urgency to denormaliz­e the culture of smoking and tobacco consumptio­n not only in our economic zone but across the city so we can save the lives of our people,” pahayag naman ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines