Balita

Illegal Chinese workers dapat ipa-deport —Duterte

-

Nararapat lamang na ma-deport ang mga Chinese na ilegal na nagtatraba­ho sa bansa ngunit kailangang maging maingat ang mga lokal na awtoridad sa bagay na ito, pahayag ni Pangulong Duterte nitong Martes.

Bagamat sumasang-ayon ang Pangulo na kailangang pauwiin ang mga hindi dokumentad­ong dayuhang manggagawa, “[there was no need to] get rough” sa mga ito lalo na sa gitna ng mga pangamba sa maaaring maging epekto nito sa mga Pilipinong nagtatraba­ho sa ibang bansa.

“Yes, they should be deported. But in the same manner, you should be careful because when you point to the Chinese you also point yourself at us. There are so many thousands of Filipinos working there or went inside China as tourists and working there,” sinabi ni Duterte sa isang pulong-balitaan sa Bohol, nitong Martes.

“Remember it’s not just exploiting a story about the Chinese working here. We are doing the same thing in Malaysia. There are a lot of our women are there --- in Indonesia, in China, in Korea,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na habang may mga reklamo hinggil sa dumaraming ilegal na dayuhang manggagawa sa bansa, ipinaalala niya na “we have also exported the same problem to them.”

Ipinunto rin niya na wala pang ilegal na Pilipinong manggagawa ang pinauuwi ng China.

“It is not okay but there has to be an arrangemen­t there. So if you think that you are at a loss, at a disadvanta­ge because there are so many Chinese nationals working here. Remember that we have the same equal amount of people --- Filipinos who are there working in China,” paliwanag niya.

“But wala naman silang idineport so maybe you can just tell them to go home. Otherwise, if you start to get rough on this issue, there is a distinct possibilit­y that it will also happen to you. So you know when you sail your ship of state, you avoid turbulent waters,” aniya pa.

Ang pahayag ni Duterte ay tugon matapos na maglunsad ang Senado ng isang imestigasy­on tungkol sa biglang pagdagsa ng mga undocument­es foreign workers sa bansa, na karamihan ay mga Chinese. Nangangamb­a ang ilan na baka naaagaw na ng mga dayuhan ang trabaho mula sa mga lokal na manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines