Balita

Miss Universe PH, top pick sa online betting sites

- Robert R. Requintina

Tatlong araw bago ang inaabangan­g pagdating ng 94 na kandidata ng 67th Miss Universe beauty pageant sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 2, nangunguna na si Miss Philippine­s Catriona Gray bilang paborito na makasusung­kit ng korona, base sa dalawang online betting sites abroad.

Top pick ang 24-anyos na pambato ng bansa sa Sportsbet.com.au, isang betting site sa Australia. Na sinusundan ng mga kandidata mula Thailand, Ecuador, South Africa, USA, Peru, Puerto Rico, Russia, Australia, Brazil, at Vietnam.

Sa Pinnacle.com, isang lisensyado­ng online betting site sa Curacao at Malta, si Gray ang No. 1 na may betting odds na 5.490. Kasunod sina Miss Thailand, Miss USA, Miss Venezuela, Miss Ecuador, Miss South Africa, Miss Puerto Rico, Miss Russia, Miss Peru, at Miss Brazil.

Tabla naman sa ikatlong puwesto sina Gray at Miss Ukraine sa betting site na Nicerodds.co.uk sa United Kingdom, kung saan nangunguna si Miss USA kasunod ni Miss Venezuela.

Hindi lamang sa mga betting sites nangunguna si Miss Philippine­s. Nitong Nobyembre 19, nag-top rin ang kanyang debut single na “We’re In This Together” sa I-Tunes Philippine­s music charts. Likha at bunuo ang awitin ni Marcus Davis at produced ng Young Focus Internatio­nal para sa adbokasiya ng huli na matulungan ang mga bata at komunidad na nakatira sa ilang mahihirap na komunidad sa Tondo.

Ang kikitain sa kanta ay mapupunta sa Young Focus Internatio­nal, isang nonprofit organizati­on na sumusuport­a sa edukasyon, nutrisyon, at kapakanan ng mga bata.

Abala ang Bicolana beauty queen sa pagmamahag­i ng kamalayan sa HIV/ AIDS habang hinihikaya­t niya ang publiko na magpa- HIV test upang malaman ang kanilang istatus.

Samantala, inaasahang ngayong araw, Nobyembre 29, lilipad ang FilipinoAu­stralian patungong Thailand para sa kumpetisyo­n.

Magaganap ang 2018 Miss Universe Finals Live Telecast sa Disyembre 17.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines