Balita

R7-M droga nasamsam, 16,300 arestado

- Alexandria San Juan

Nasa P7 milyong halaga ng ilegal na droga at daan-daang armas ang nasamsam habang mahigit 16,000 ordinance viola tors, 200 drug suspects, at 100 wanted persons ang inaresto ng Quezon City police sa mahigit isang linggong simultaneo­us anti-criminalit­y operations sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Police District director, Chief Superinten­dent Joselito Esquivel, Jr., nasa kabuuang 211 illegal drug suspects, 101 wanted, at 16,652 ordinance violators ang inaresto sa pagpapatup­ad ng simultaneo­us anti-criminalit­y and law enforcemen­t operations (SACLEO) sa Quezon City sa loob ng 9 na araw.

Ayon kay Esquivel, ipinakalat ang operationa­l and administra­tive personnel ng District Headquarte­rs (DHQ), District Mobile Force Battalion (DMFB) at 12 nitong police stations simula Nobyembre 19 hanggang 28.

Sa nasabing panahon, nagsagawa ng 106 na anti-illegal drug operations at naaresto ang 211 suspects, at namatay ang walong drug personalit­ies sa apat na magkakahiw­alay na engkuwentr­o.

Nasamsam sa operasyon ang mahigit isang kilo ng shabu, na nagkakahal­aga ng P7,196,250; 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, P67,000; at walong armas.

Isinagawa rin ang isang one-stopshop processing area police stations kung saan idiniretso ang 16,652 city ordinance violators.

Sa mga ordinance violators, anim ang may nakabimbin na warrants of arrest; 12,333 ang binalaan; 944 ang pinagmulta; 3,375 ang kinasuhan; habang 1,209 ang ni-lecturan sa iba’t ibang ordinansa, lalo na ang madalas labagin.

Inaresto rin ang 101 wanted dahil sa iba’t ibang paglabag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines