Balita

Dalawa hinoldap sa pawnshop

- Bella Gamotea

Pinasok ng dalawang holdaper ang isang pawnshop at remittance center sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga suspek, na inilarawan ang isa na nakasuot ng uniporme ng guwardiya habang ang isa ay camouflage green jacket, at kapwa sakay sa motorsiklo.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Danilo Bucsit, 57, guwardiya; Nicole Shane Lacia, 25, ng 11th Avenue, Barangay North Signal, Taguig City; at Wenceslina Roderos, 62, ng No. 305 Agila Street, G2 Village, Bgy. Pinagsama sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang panghohold­ap sa isang sangay ng Cebuana Lhuiller na matatagpua­n sa Phase 2, Bgy. Pinagsama Village, sa Taguig City, bandang 1:05 ng hapon.

Nagbabanta­y si Bucsit nang dumating ang dalawang suspek at isa rito ang agad na pumasok at humingi ng transactio­n form bago lumabas sa establisye­mento at tinawag ang kasama.

Sa pagpasok ng dalawang suspek, tinutukan ng mga ito ng baril ang guwardiya at dinis-armahan saka nagdeklara ng holdap.

Tumakbo umano ang mga kahera at nagtago sa loob at hinoldap ng mga suspek ang mga customer na sina Lacia at Roderos, at tinangay ang mga cell phones, ATM cards, at P7,000 cash.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines