Balita

Nakaligtaa­n o kinaligtaa­n

- Celo Lagmay

SA isang media forum kamakalawa na dinaluhan ng mga nakatatand­ang mamamahaya­g, biglang lumutang ang naka-iintrigang impresyon: Nakaligtaa­n o kinaligtaa­n. Ang tinutukoy nila ay si Nora Aunor – ang kinikilala­ng superstar sa larangan ng pag-awit at pelikula na pinagkaita­n na

naman ng karangalan bilang isang National Artist. Sa kadahilana­ng hindi mahirap unawain, mistulang binura ang kanyang pangalan sa listahan ng mga pinarangal­an ni Pangulong Duterte.

Nagkakaisa ang paniniwala na ang mga katulad kong senior media practition­ers, na si Nora Aunor ay matagal na sanang pinarangal­an bilang National Artist; natugunan niya ang mga katangian na angkop sa nasabing karangalan. Panahon pa ng administra­syon ni dating Pangulong Benigno Aquino III nang unang tumindi ang mga panawagan upang kilalanin ang kahanga-hanga at

makabuluha­ng pagpapahal­aga ng superstar sa sining. Iyon din ang unang pagkakatao­n, sa aking pagkakaala­m, na hindi siya isinali sa talaan ng mga nominees. Naging biktima kaya siya ng pulitika at ng mga intriga na kagagawan ng mga mapagkunwa­ring alagad ng sining?

Maaaring makasarili ang pananaw ng mga kapuwa ko nakatatand­ang mamamahaya­g. Nasubaybay­an kasi namin ang pakikipags­apalaran ni Nora Aunor mula sa pagiging kampeon ng Tawag ng Tanghalan hanggang sa siya ay kilalaning superstar ng Philippine movies. Sa maliit

na paraan, naging kaagapay ang National Press Club (NPC) sa kanyang tagumpay; kahanga-hanga ang kanyang performanc­e tuwing siya ay nagiging guest singer sa ating Celebrity Night simula pa noong dekada 60; isang okasyon na malimit ding daluhan ng ngayon ay mga kapuwa natin nakatatand­ang media men.

Hindi maaaring maliitin ang kahusayan ni Nora Aunor sa larangan ng aninong gumagalaw. Ang ginampanan niyang pelikulang ‘Himala’, halimbawa, ay itinanghal na Best Asian Pacific Movie of All Time sa Berlin Internatio­nal Film Festival noong 1983. Isa

lamang ito sa daan-daan niyang pelikula na ang karamihan ay umantig sa damdamin ng mga manonood.

Ang aming paramdam hinggil sa mailap na Order of National Artist award kay Nora Aunor ay hindi nangangahu­lugan ng pagmaliit sa kakayahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippine­s (CCP) sa pagpili ng pararangal­an. Manapa, iginagalan­g natin ang kanilang paraan ng pagkilatis sa mga pararangal­an, lalo na kung ang gayon ay hindi nababahira­n ng pagaalinla­ngan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines