Balita

Perpetual vs EAC sa NCAA volley

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:30 n.u. -- EAC vs Perpetual (jrs/men/women)

2:00 n.h. -- Lyceum vs JRU (women/men/jrs)

IKALAWANG sunod na panalo upang makasalo ng mga namumuno ang target ng season host University of Perpetual Help System Dalta sa men’s at juniors’ division sa pagsagupa nila sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatul­oy ng NCAA Season 94 volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Gaya ng Altas, ikalawang dikit na panalo din ang hangad ng Generals na namayani kontra Letran sa una nilang laro.

Mag-uunahang umangat sa liderato ang Altas at Generals sa kanilang pagtutuos sa ikalawang laban ganap na 10:00 ng umaga pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng Junior Altas at Brigadiers ganap na 8:30 ng umaga.

Tatangkain ng Brigadiers na umangat at pumatas sa Arellano Braves sa pamumuno sa juniors division buhat sa kinalalagy­ang threeway tie sa second spot kasalo ng Lyceum at Letran.

Nais ng Altas na ipagpatulo­y ang kanilang naging winning tradition sa men’s division kung saan nagposte sila ng anim na titulo sa nakalipas na walong kampeonato.

“We just want to make the school, our officials, the Perpetual Help community and our supporters proud, that’s why we always strive for excellence,” pahayag ni Altas coach Sammy Acaylar.

Samantala, makabawi sa natamong unang kabiguan ang target kapwa ng magkatungg­aling Lyceum Lady Pirates at event host Jose Rizal University Lady Bombers sa tampok na women’s match ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng tapatang Lady Altas at Lady Generals na mag-uunahan ding makapagtal­a ng panalo sa kanilang pagtutuos ganap na 12:00 ng tanghali.

Kasunod nito, magsasagup­a naman ang Pirates at ang Heavy Bombers para sa ikalawang seniors game ganap na 3:30 ng hapon bago ang huling juniors game sa pagitan ng Junior Pirates at Light Bombers ganap na 5:00 ng hapon.

 ??  ?? DEPENSA sa net ang inilatag ng Arellano University sa pagtatangk­a ng St. Benilde na makaiskor sa unang set ng kanilang laro sa NCAA women’s volleyball championsh­ip nitong Miyerkoles sa FilOil Center. RIO DELUVIO
DEPENSA sa net ang inilatag ng Arellano University sa pagtatangk­a ng St. Benilde na makaiskor sa unang set ng kanilang laro sa NCAA women’s volleyball championsh­ip nitong Miyerkoles sa FilOil Center. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines