Balita

ESports, debut sa SEAG Manila

- Annie Abad

BAHAGI na ng sports calendar sa 2019 hosting ng Southeast Asian Games ang sumisikat at kompetitib­ong eSports.

Pormal na inilunsad ang video gaming bilang regular sports sa biennial meet sa isinagawan­g media launching kahapon, sa pangunguna ni Philippine­s South East Asian Games Organizing Committee (PhilSGOC) Chairman Emeritus Alan Peter Cayetano.

“We are very thrilled, excited, and honored to have esports in the SEA Games with Razer as a partner,” pahayag ni Cayetano sa media conference kahapon sa Marriot Hotel. “Gamers are an important part of our community.”

Nakipagtam­balan ang PhilSGOC at Philippine Olympic Committee (POC) sa gaming hardware company Razer upang masiguro ang mataas na antas ng kompetisyo­n sa kauna-unahang eSports event sa SEA Games.

“This will bring aspiring esports athletes in Southeast Asia to the global stage,” pahayag ni Limeng Lee, Chief Strategy Officer ng Razer.

Ang eSports sa SEA Games ay pangangasi­waan ng Asian Electronic Sports Federation.

Nakataya ang anim na gintong medalya sa eSports na paglalaban ang tatlong gaming platforms – dalawa sa console, dalawa sa PC at dalawa sa mobile.

Sa kasalukuya­n, tanging ang Mobile Legends: Bang Bang – isang multiplaye­r online battle arena game – ang kompirmado­ng lalarui. May hanggang Disyemre 15 ang organizers para maisaayos ang lahat ng event.

Kabilang na rin ang eSports sa nakalipas na 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia, ngunit bilang isang demo sport.

 ??  ?? GROUPIE! Pinangunah­an ni PhilSGOC president Alan Peter Cayetano ang souvenir shots kasama ang kapwa sports officials at isinagawan­g media launch kahapon sa Mariott Hotel.
GROUPIE! Pinangunah­an ni PhilSGOC president Alan Peter Cayetano ang souvenir shots kasama ang kapwa sports officials at isinagawan­g media launch kahapon sa Mariott Hotel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines