Balita

CHRISTMAS BREAK, PINAAGA

Bakasyon ng public schools, sa Dis. 15 na

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Pinaaga ng Department of Education (DepEd) ang Christmas break ng mga estudyante sa mga pampubliko­ng paaralan sa bansa, na magsisimul­a na sa Disyembre 15.

Sa Department Order No. 25, Series of 2018, mula sa dating schedule na Disyembre 22 ay sisimulan na sa Disyembre 15 ang Christmas break ng mga mag-aaral ngayong taon.

Sa kautusan na pirmado ni Education Secretary Leonor Briones, layunin nitong magkaroon ng mas mahabang “quality time” ang mga estudyante at kanilang mga pamilya ngayong Pasko, na isa sa pinakamaha­halagang okasyon para sa mga Pinoy.

“The Department of Education values the importance of spending quality time with the family. The Christmas season provides an opportunit­y for Filipino learners to strengthen their emotional bonds with their family,” saad sa kautusan.

“In view of the foregoing, the Department issues this Order amending the start of the Christmas break from Saturday, December 22, 2018, as provided in Paragraph 10 of DepEd Order No. 25, s.2018 (School Calendar for School Year 2018-2019) to Saturday, December 15, 2018,” ayon pa sa Department Order.

Paglilinaw ng DepEd, mananatili pa rin ang Disyembre 15, 2018 bilang class day para sa mga aktibidad sa paaralan.

Itinakda naman ng DepEd ang pagbabalik-klase sa Enero 2, 2019, Miyerkules, o isang araw matapos ang pagdiriwan­g ng Bagong Taon.

Sa Abril 5, 2019 naman ang huling araw ng klase para sa kasalukuya­ng school year.

 ?? MARK ?? KUMPISKADO! Katabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde (gitna) sina NCRPO Director Guillermo Eleazar (kaliwa) at QCPD Director Joselito Esquivel habang iniinspeks­iyon niya ang isa sa 204 na iba’t ibang armas na nasamsam sa anti-criminalit­y operations sa Quezon City sa nakalipas na siyam na araw. Nasa 101 wanted at 212 drug suspects din ang iprinisint­a sa media sa Camp Karingal kahapon.
MARK KUMPISKADO! Katabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde (gitna) sina NCRPO Director Guillermo Eleazar (kaliwa) at QCPD Director Joselito Esquivel habang iniinspeks­iyon niya ang isa sa 204 na iba’t ibang armas na nasamsam sa anti-criminalit­y operations sa Quezon City sa nakalipas na siyam na araw. Nasa 101 wanted at 212 drug suspects din ang iprinisint­a sa media sa Camp Karingal kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines