Balita

‘SpongeBob’ creator Stephen Hillenburg, pumanaw na

-

PUMANAW na si Stephen Hillenburg, ang personalid­ad na ginamit ang kanyang hilig sa pagguhit at pagmamahal sa marine biology para buuin ang fictional undersea world sa SpongeBob SquarePant­s, inihayag ng Nickelodeo­n nitong Martes.

Binawian ng buhay si Stephen nitong Lunes dahil sa Lou Gehrig’s disease, kilala rin sa tawag na ALS, lahad ng cable network sa isang pahayag. Siya ay 57 taong gulang.

Una nang inihayag ni Stephen na siya ay may ALS noong March 2017. Pumanaw siya dalawang linggo makaraang sumakabila­ngbuhay ang isa pang cartoon hero, ang Marvel creator na si Stan Lee.

Si Stephen ang bumuo, sumulat, nagproduce at nagdirek ng naturang animated series na nagsimulan­g umere noong 1999, na kinilala sa buong mundo dahil sa daan-daan nitong episodes, pelikula at nagkaroon pa nga ito ng Broadway show.

Malakas ang hatak ng kuwela at masayahing si SpongeBob, gayundin ang kanyang yell-along theme song na nagsisimul­a sa “Who lives in a pineapple under the sea?!” sa mga estudyante pati na rin sa mga magulang at bata.

“The fact that it’s undersea and isolated from our world helps the characters maintain their own culture,” sabi ni Stephen sa The Associated Press noong 2001. “The essence of the show is that SpongeBob is an innocent in a world of jaded characters. The rest is absurd packaging.”

Kabilang sa maraming oceanic creatures sa animated series ay ang sidekick ni SpongeBob, ang starfish na si Patrick, ang kanyang kuripot na boss na si Mr. Krabs, kaibigang squirrel na si Sandy Cheeks at ang mainisin niyang kapitbahay na si Squidward Tentacles.

Isinilang si Stephen sa army post ng kanyang ama sa Lawton, Oklahoma, Hillenburg, nagtapos sa Humboldt State University sa California noong 1984 with a degree in natural resource planning, na nakatuon sa marine resources, at kalaunan ay nagturo siya ng teach marine biology sa Orange County Marine Institute.

Habang nagtuturo ay doon niya binuo ang “The Intertidal Zone” na ginamit niya bilang teaching tool. Tampok dito ang mga anthropomo­rphic ocean creatures “that were precursors to the characters

on SpongeBob.” Naulila ni Stephen ang kanyang asawang si Karen Hillenburg, anak na sina Clay, nanay niyang si Nancy Hillenburg, at isang kapatid,

si Brian Kelly Hillenburg.

 ??  ?? Stephen
Stephen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines