Balita

David Beckham, binatikos sa paghalik sa labi ng anak

-

NAHAHARAPn­gayonsiDav­idBeckhams­a pambabatik­os dahil sa paghalik niya sa labi ng kanyang anak na babae, si Harper.

Nag-post ang dating soccer star ng larawan nila ng kanyang seven-year-old daughter sa kanilang skating adventure, ayon sa Yahoo Celebrity.

“Christmas is coming. Let’s go skate [heart],” caption niya sa larawan, na kung saan nakahalik ang hot dad sa bunsong anak niya.

Naging mitsa tuloy ito ng debate online tungkol sa kung tama bang hinahalika­n niya sa labi ang kanyang anak.

“That looks wrong,” ang unang komento na pinagsimul­an ng debate.

“Disgusting,” post pa ng isa.

May nagkomento rin na: “This is not appropriat­e” at “She’s your daughter. .why are you kissing on her lips..?.. that’s ur wife kiss…”

Dagdag pa ng isang kritiko: “Did he have his daughter’s consent?”

Agad namang kinontra ng fan ang mga haters at mas marami ang mga positibong komento kaysa negatibo. Marami ang nagturing na ito ay “beautiful.” Dagdag pang sabi, “Y’all act like if they were making out or something.”

Kinuwestiy­on naman ng iba kung anong uri ng relasyon mayroon ang mga kritiko sa kani-kanilang tatay. “Wow people are really this close minded and pathetic? Is it that their fathers beat them, neglected them or deprived them of parental love & affection? This world is truly a sad place smfh,” post ng isa.

Ang pinaka high-profile defense na natanggap ni David ay galing sa kapwa niya sportsman na si Tom Brady, na minsan na ring nabalita dahil sa paghalik sa kanyang mga anak. “Dad and daughter. So sweet!” sabi ng NFL star.

Na siyempre, naging dahilan para mabaling sa kanya ang mga komento ng bashers: “Just like you and yo son makin out,” sabi ng bashers.

 ??  ?? David at Harper
David at Harper

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines