Balita

Ika-104 na labas

- R.V. VILLANUEVA

BINIGYAN si Fermin ng kuwintas na may palawit na imahen ni Jesus Christ na pananggala­ng daw sa masasamang espirito ng pari ng Malolos Katedral.

Itinanong ni Fermin sa pari kung magkano iyon.

“Wala, anak...wala. Kung materyal na halaga ang ibig mong sabihin, walang halaga ‘yan. Stainless lang ‘yan anak. I ngatan mo at huwag mong iwalay ‘yan sa ‘iyo.”

“H-hindi na ho kaya niya ako, malapitan, Padre?”

“Siguro’y puwede ka pa rin niyang lapitan, “anang pari. “Pero palaga’y ko’y may malaking magagawa ‘yan. Bukod sa agnos na imahen, benditado ‘yan, anak.”

Matapos isuot ni Fermin ang kuwintas...”Pa’no po, Padre... magpapaala­m nap o ako at maramingma­rami pong salanta!”

Talagang paalis na si Fermin at palabas na siya sa pintuan ng sakristiya nang muli siyang tawagin ng pari.

“Muntik ko nang makalimuta­n, anak,” sabi ng pari. “May ibibigay pa nga pala ako sa’yo. Teka sandal...”

May kinuha ang padre sa isang sadyang taguan. Isa iyong sisidlang katad ng puno ng kung anong likido.

Nagpaliwan­ag ang pari at idinagdag: “Tandaan mo lang, anak. Mas mabisa ‘yan kung hindi lalagpas ng mga dalawang oras bago kayo magtagpo ng sinasabi mong babae. Tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa iyo na mga dapat mong gawin.”

Mula sa kanyang bulsa inilabas ni Fermin ang kanyang wallet.

“H’wag mong sabihin, anak...na gusto mo na naman akong bayaran.”

“Hindi po, Padre. Hindi poi to bayad pero alam ko pong tumatangga­p din ng abuloy ang simbahan. Ang ibibigay kop o ay abuloy.”

Natatawang umiling ang pari. “Tumatangga­p nga kami ng abuloy, anak. Pero kung ngayon mo ibibgay ‘yan, magmumukha ring bayad.”

Pagkatapos ng muling pasasalama­t, nagpaalam na si Fermin at tuluyan nang umalis.

Noong hapong iyon pauwi siya, tumawag siya kay Nena sa bahay at sinabing medyo gagabihin siya ng uwi.

Ang talagang totoo, pinaghahan­daan niya ang engkuwentr­o nila ni Nenamia. Ngayong sa palagay niya ay may panlaban na siya, wala siyang maramdaman­g takot. Sa halip, pananabik ang nararamdam­an niya na masubukan ang bisa ang kanyang mga pananggala­ng.

Pasado alas siyete y medya, pauwi na siya. At dahil, wala namang masyadong trapik noong partikular na araw na iyon, pasado alas otso lang, naroon na siya sa bisinidad na malapit sa kanila. Batay sa kanyang karanasan, ganitong oras, bigla na lang limulitaw si Nenamia.

Nakahanda na talaga siya. Sinalat niya ang kanyang leeg para siguraduhi­n na suot niya ang kuwintas. “Kumusta ka na, Mahal?” Hindi na nagulat si Fermin nang mula saw ala ay mabuo ang katawan ni Nenamia.

“Mabuti,” walang emosyon sa kanyang tinig. “Sa’n mo gusting magpunta tayo, mahal?”

Hindi siya nagtatanon­g dati kay Nenamia. Dati, ito lagi ang nagdidikta kung saan sila pupunta. At lagi na’y sumusunod lang naman siya.

“Nagtatanon­g pa ba ng ibang lugar ang pagmamahal­an?” Patanong ding sagot ni Nenamia.

Tulad ng dati, natutukso na naman siya. Kahit naroon pa rin ang pagtutol sa kanyang dibdib, parang kayliit na bahagi lang naman iyon. Parang ang laki talaga ng tumatalab na tukso sa kanya.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines