Balita

Vice, todo-tanggi sa Bora getaway nila ni Calvin

- Ni ADOR SALUTASabi

AYAW paniwalaan ng madlang pipol ang deklarasyo­n ni Vice Ganda na nagkagulat­an lamang sila ng PBA player

na si Calvin “The Beast”

Abueva nang magpangita ang dalawa sa isla ng Boracay noong November 24, Sabado. Sa episode ng It’s

Showtime nitong Lunes, November 26, tinukso ni

Jhong Hilario si Vice tungkol sa balitang namataan silang magkasama ni Calvin sa Boracay.

Noong una ay itinanggi pa ito ng natatawang si Vice.

Biro ni Jhong, sinundan daw ni Calvin si Vice sa isla.

“Hindi totoo ‘yan,” mariin pang tanggi ng comedian-host.

Dugtong pa ni Vice, “Hindi, wala ‘yun.” Pagkatapos ay nilinaw ni Vice na nagkataon lang na pareho silang nasa Boracay noong araw na ‘yun.

Nagbakasyo­n daw si Vice kasama ang kanyang ina, samantalan­g pumunta raw doon si Calvin para bisitahin ang kanyang kapatid.

Paliwanag ni Vice, “Hindi ako ang sinundan niya du’n. Andu’n ‘yung kapatid niya.” pa ng comedian-host, “Ang alam nila, pahinga ‘yun with Nanay. “Nagpahinga talaga ako kasama ko ang nanay ko. “Nagkataon lang talaga may pinuntahan sila [Calvin] du’n.”

Patuloy ang pagbibiro ni Jhong kay Vice na nagkita sila ni Calvin sa bakasyon. Depensa naman ni Vice, “Ang liit lang ng isla, imposiblen­g hindi kami magkikita, ‘no! “Nagulat nga [ako] ‘Oy, andito ka pala!’ Nagulat talaga ako…”

Sa kabila ng pag-uugnay kina Vice at Calvin, nilinaw ng dalawa na magkaibiga­n lamang sila.

Sinabi pa ni Vice sa interview na masaya siyang hindi itinatago ni Calvin ang kanilang pagkakaibi­gan.

Ayon pa sa aming source, usapan na nila Vice at Calvin na magbabakas­yon sa Boracay sa weekend at hindi totoong nasorpresa ang isa’t isa nang magpang-abot sa nasabing isla sa Aklan.

Sey ni Lucky Laotingco, “For Vice, tell that to the marines,” na ibig sabihin ay nagsinunga­ling si Vice na hindi nila alam ni Calvin na parehong Boracay ang kanilang destinasyo­n last weekend.

 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines