Balita

Narco cop, nakatakas sa arresting team

- Armando B. Fenequito, Jr.

DAVAO CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang pulis, na umano’y sangkot sa ilegal na droga, matapos na masamsam ng umano’y shabu at granada sa kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Mati City, Davao Oriental, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Davao Oriental Police Provincial Office - Police Community Relations (DOPPO -PCR) chief Supt. Ariel Nueva ang suspek na si PO2 Luis Gabrinao, Jr., nakatalaga sa Island Garden City of Samal (IGACOS) Police Station.

Si Gabrinao ay nakilala sa pamamagita­n ng pasaporte, na naiwan niya sa kanyang sasakyan.

Nauna nang namataan ng mga pulis ang SUV ni Gabrinao, na ginagamita­n ng pekeng plaka (PKD-634), sa Oplan Davao Oriental Kalinaw sa Rizal Street, Barangay Central sa nasabing lungsod, bandang 3:30 ng hapon.

Nang sundan ng mga awtoridad, agad na pinaharuro­t ni Gabrinao ang kanyang sasakyan.

Nang makarating sa Lawaan St., agad na bumaba si Gabrinao sa sasakyan at tumakas.

Sa pagsilip ng mga pulis sa sasakyan ni Gabrinao, nasamsam ang hindi pa madetermin­ang halaga ng shabu, granada, drug parapherna­lia, at electronic pocket weighing scale.

Nobyembre 2014, sinibak sa puwesto si Gabrinao dahil sa pagkakasan­gkot sa ilegal na droga.

Si Gabrinao ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 9516 (Unlawful Manufactur­e, Sales, Acquisitio­n, Dispositio­n, Importatio­n or Possession of an Explosive or Incendiary Device).

 ?? LIEZLE BASA IÑIGO ?? NAGNINGNIN­G Pumatok sa mga turista at residente ang Pangasinan Capitol Complex nang lagyan ng Christmas decoration­s ng iba’t ibang bansa.
LIEZLE BASA IÑIGO NAGNINGNIN­G Pumatok sa mga turista at residente ang Pangasinan Capitol Complex nang lagyan ng Christmas decoration­s ng iba’t ibang bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines