Balita

‘Revolution Smoke-Free’ sa Baguio economic zone

- PNA

NAGPAHAYAG ng suporta ang Baguio City Economic Zone Authority (BCEZA) para sa smoke-free program ng Baguio, sa pamamagita­n ng pagdedekla­ra sa business zone bilang smoke-free area at paggamit sa pambansang slogan na “Revolution Smoke-Free.”

“Revolution Smoke-Free is part of the revolution I am implementi­ng in PEZA (Philippine Economic Zone Authority). Baguio City Economic Zone is a model smoke-free ecozone,” pahayag ni PEZA Director General Charito Plaza, sa paglulunsa­d ng nasabing programa sa BCEZA compound, nitong Lunes.

Isinusulon­g ni Plaza ang isang komunidad ng mga pribadong kumpanya na sumusuport­a sa isang mas malusog na lugar para sa pagtatraba­ho ng kanilang mga empleyado.

Aniya, sinusuport­han ng BCEZA locators ang pagsisikap ng Baguio na mawakasan ang paninigari­lyo sa buong lungsod.

“As part of its best practices, PEZA will require all other economic zones nationwide to follow the example, as this is a living testimony to how we can show concern for the health and welfare of our employees, their families, and the entire nation,” dagdag pa ni Plaza.

Ibinahagi rin ni Plaza na ang Baguio ang napiling paglulunsa­ran ng proyekto dahil sa nakaalinsu­nod ang layunin ng kampanya sa hangarin ng lungsod na bigyang-prayoridad ang pampubliko­ng kalusugan.

Noong Mayo 2017, ipinasa ng Baguio City ang Ordinance 34-2017 o ang “Smoke-Free Baguio.” Matapos nito’y bumuo ang lungsod ng task force na mag-iimplement­a sa ordinasa sa buong siyudad.

Nagtalaga rin ang task force ng mga agents, kabilang ang mga lola, upang lubos na maisabuhay ang ordinansa sa mga barangay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines