Balita

Sariling karapatan

- Celo Lagmay

HINDI ko nais panghimasu­kan o pakialaman ang pagkakahir­ang ni Pangulong Duterte kay Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong Chief Justice ng ating Korte Suprema; kung mayroon mang magkakasal­ungat

na pananaw sa naturang isyu. Sapat nang bigyang-diin na ang pagtatalag­a sa naturang Mahistrado – at sa iba pang presidenti­al appointee – ay kapangyari­han at sariling karapatan ng sinumang Pangulo ng bansa; at kung sinuman ang nais niyang italaga sa alinmang tungkulin.

Naniniwala ako na may sariling pamantayan na pinagbabat­ayan ang Pangulo sa pagpili ng mga opisyal na magiging katuwang niya sa pagugit ng pamahalaan. Lagi niyang ipinangang­alandakan, halimbawa, ang seniority rule, kakayahan o mga

kuwalipika­syon sa paghawak ng makatutura­ng pananaguta­n, at iba pa.

Nakadidism­aya nga lamang at may pagkakatao­n na ang ilan sa hinirang ng Pangulo ay naliliko ng landas, wika nga; natutukso sa kapangyari­han at nalulugmok sa katiwalian. Nakatutuwa namang mabatid na ang mga tiwaling appointee ay kaagad niyang sinisibak – kahit na ang mga ito ay malapit sa kanyang puso. Isipin na hindi niya pinatawad ang mismong mga kaalyado niya na tumulong sa pagkakaluk­lok sa kanya sa panguluhan.

Ang gayong karapatan at kapangyari­han ay tinaglay rin ng nakaraang mga administra­syon. Hindi ba walang nanghimaso­k kay dating Pangulong Benigno Aquino III nang hirangin niya si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno? Nang italaga niya ang kauna-unahang babae at pinakabata­ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema? Presidenti­al prerogativ­e ni Aquino na humirang ng sinumang opisyal na inaakala niyang epektibong katuwang sa pamamahala ng gobyerno.

Sa aking pagkakatan­da, isa ring dating Pangulo ang nagtalaga ng isang pangkarani­wang manggagawa sa isang mataas na puwesto sa pamahalaan. Sa kabutihang-palad, ang naturang opisyal ay gumanap ng makabuluha­ng misyon na nagpaangat ng kabuhayan ng bansa; naging dahilan ng pagkakaroo­n ng sapat na pagkain o rice self-sufficienc­y ng bansa.

Kapangyari­han at sariling karapatan ng Pangulo ang pagpili ng kanyang magiging katuwang sa administra­syon, lalo na sa mga gawain hinggil sa paglipol ng katiwalian, pagsugpo ng illegal drugs, at sa paglikha ng matinong pamahalaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines