Balita

Gilas-RP Team, nabuo na ni Yeng

- Marivic Awitan

PANGUNGUNA­HAN nina San Miguel trio Junemar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter sampu ng Ginebra quartet nina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at LA Tenorio ang 12-man Team Pilipinas na lalaban kontra Kazakhstan ngayon sa fifth window ng FIBA World Cup qualifiers sa MOA Arena.

Kukumpletu­hin naman nina Rain or Shine veterans Gabe Norwood at Beau Belga, Poy Erram ng Blackwater, Matthew Wright ng Phoenix at naturalize­d player Stanley Pringle ng NorthPort ang 12-man team ni national coach Yeng Guiao.

Tatangkain ng koponan na inihayag ni Guiao sa isang espesyal na sendoff na ginanap sa Meralco compound sa Ortigas ang taglay na 5-3, panalotalo­ng marka ng National Team upang umangat sa kasalukuya­ng kinalalagy­ang pangatlong puwesto sa Group F.

Ang 12 manlalaron­g nabanggit ay para lamang sa laban kontra Kaxakhstan dahil puwede pa itong mabago sa Lunes para naman sa nakatakdan­g laban kontra Iran.

Ang mga hindi nasama sa

Final 12 ay sina

Paul Lee ng

Magnolia,

Arwind

Santos ng

San Miguel, Jayson

Castro at Troy

Rosario ng

TNT, Gilas cadet

Ricci Rivero ng University of the Philippine­s at Batang Gilas cager Kai Sotto ng Ateneo.

Hindi rin nakasama si Christian Standhardi­nger ng San Miguel dahil sa ruling na isa lamang naturalize­d player ang puwedeng palaruin sa isang team sa Fibasancti­oned competitio­ns. Nauna namang nagpaalam si Ian Sangalang ng Magnolia dahil kinakailan­gan nitong maka recover sa kanyang injury. Inaabangan sa nabuong lineup ang maipapakit­a ng Twin Towers na sina Slaughter at Fajardo gayundin ng matitinik nilang backcourt sa pamumuno nina Cabagnot at Tenorio.

 ??  ?? YENG GUIAO
YENG GUIAO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines