Balita

JM at Arci, nabitin sa pelikula

- Arci at JM Reggee Bonoan

MUKHANG nabitin sina JM de Guzman at Arci Muñoz sa tambalan nila sa pelikulang Last Fool Show na kinunan sa Boracay Island, sa direksyon ni Eduardo Roy.

Itinuloy na rin kasi nina JM at Arci sa teleserye ang tambalan nila na may working title na #ProjectKap­alaran mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani na ipalalabas sa Pebrero 2019.

Matagal nang magkaibiga­n at parehong nag-aral sa UP (University of the Philippine­s) ang dalawa, at parehong wala pang pera ang dalawa noon.

Nag-post si JM ng larawan nila ni Arci sa kanyang IG account at caption niya, “Papssss. @ramonathor­nes akalain mong wala pa tayong pang UP Ikot nun. Ngayon may pelikula at soap tayo. o edi wow. rakenrol. #LastFoolSh­ow#Project Kapalaran.”

Sa panayam kay JM ng Push.com, sinabi niya: “Dati nagtatraba­ho kami as staff, behind the stage. Kami ang mga utusan ng mga direktor para ayusin ang stage sa mga play sa UP. “Sobrang dali, ang sarap niyang kalaro sa set. As in ‘pag nasa set na kami, para lang kaming naglalaro. ‘Yung wall kasi wala na eh.”

Kuwento naman ni Arci, “It’s not really work with him, it’s more of like a bonding. Kasi siguro matagal din siyang nawala. Ako talaga, I’m here to support everything and anything na gusto niyang gawin. He’s like a brother (to me), so I’m here to support him all the way.”

In fairness, bagay ang dalawa dahil nakita na namin silang magbiruan sa block screening ng Kung Paano Siya Nawala na pelikula nina JM at Rhian Ramos, sa Vertis North kamakailan.

“Nandito ako to support JM, bro ko ‘yan, eh,” masayang sabi ni Arci that time na kasama pa ang Chinese businessma­n boyfriend niyang akala namin ay si Lee Min Ho, na tawag rin pala rito ng ng mga kaibigan ng aktres.

Going back to #ProjectKap­alaran, hindi pa alam kung anong programa ang papalitan nito na magtatapos sa Pebrero 2019.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines