Balita

Carpio inakalang ‘di interesado bilang chief justice

- Genalyn D. Kabiling

Hindi nakuha ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pinakamata­as na puwesto sa Korte Suprema dahil inakala ni Pangulong Duterte na hindi siya interesado sa posisyon.

Idinipensa ni Duterte ang pagtalaga kay Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong Chief Justice ng bansa, sinabing siya ay “next in rank” pagkatapos ni ayawan ni Carpio ang nominasyon noon.

“I did not pick anyone else aside from the five names that were given to me. Carpio, Peralta, Bersamin. I chose Bersamin,” pahayag ni Duterte, sa groundbrea­king ng Panguil Bay bridge sa Lanao del Norte, nitong Miyerkules.

“Carpio refused the offer. So the next in rank is… Next in rank if you’re good,” pahayag ni Duterte sa kanyang pagtalaga kay Bersamin.

Binatikos naman ng Pangulo si Carpio sa paghikayat sa kanya na gamitin ang arbitratio­n ruling upang ipaglaban ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Sinabi niya sa SC justice na mahihirapa­n ang bansa kung gagamitin ng gobyerno ang puwersa sa naturang isyu.

“Just because you’re a salutatori­an, it does not mean a s*** to me. You keep on hankering that you’ll attack the --- you do something. What do you want me to do?” tanong niya kay Carpio.

“Arbitratio­n so I’ll order my military and the police to go there in Palawan and shoot it out? It will be a massacre. We will not win there. We won’t get anything from it,” dagdag niya.

Tinuligsa ni Carpio ang umano’y kalawan ng aksiyon ng pamahalaan sa reclamatio­n at military buildup ng China sa pinag-aagawang South China Sea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines