Balita

Matapos ang APEC, G20 umaasang matutulduk­an ang trade war

-

NANG magkita ang mga leader ng G20 (Group of Twenty), ang namumuno sa ekonomiya ng mga bansa sa mundo, sa Buenos Aires, Argentina, nitong linggo, ang kanilang atensiyon — at ng buong mundo — ay nakatuon sa mga leader ng dalawang bansa — ang United States at China.

Ito ay dahil ang malaking pagkakaiba ng dalawang bansa ay nakaaapekt­o sa buong ekonomiya sa mundo, na pinatindi ng trade war na kinabibila­ngan ng gantihan sa taripa sa bilyun-bilyong dolyar, nakaapekto sa pandaigdig­ang merkado.

May mga umasa na sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping ay magkaroon ng kasunduan sa idinaos na Asia-Pacific Economic Cooperatio­m (APEC) Summit sa Papua New Guinea, ngunit bigo ang dalawa, kaya sa unang pagkakatao­n ay hindi nag-isyu ang APEC ng pormal na pahayag.

Sa gitna ng kanilang ‘di pagkakasun­do ay ang trade war na inilunsad ni President Trump laban sa China, nagpatupad ng 10 porsiyento­ng taripa sa $200 bilyong produktong China, nakatakdan­g tumaas sa 25% sa Enero 1, 2019. Nais ng US na tapyasin ng China ang $375 billion trade gap, paunlarin ang US access sa merkado, at protektaha­n ang intellectu­al property ng mga kumpanya ng US. Gumanti ang China sa pagkakaroo­n ng sariling taripa sa mga produktong China.

Hiniling ng US sa World Trade Organizati­on (WTO) na ipagbawal ang subsidiya ng China para sa state-owned enterprise­s at pagsasanay na pilitin ang mga mamumuhuna­n na hawakan ang ibang mahahalaga­ng teknolohiy­a. Sinabi ng China na ang mauunlad na mga bansa — hindi binanggit ang mga ito — ay nagkakaloo­b ng “excessive” agricultur­al subsidies, na umaasang mapanghawa­kan ang kanilang pamumuno at hindi hahayaang umunlad ang iba.

Sa isang pagkakatao­n, sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas, sinisi ni Pangulong Duterte ang US-China trade war sa nararanasa­ng pandaigdig­ang problema na nagpapatin­di sa sariling mga problema ng Pilipinas.

Muling magkikita sina Trump at Xi at ang iba pang world leaders sa G20 summit sa Buenos Aires sa Nobyembre 30 at Disyembre 1, matapos ang pagpupulon­g ng G20 finance ministers at central bank governors. Sa isang news conference sa Beijing, sinabi ni China’s Vice Commerce Minister Wang Shouwen na umaasa siya na sina Trump at Xi ay magkasundo sa pamamagita­n ng patas na konsultasy­on, pantay na benepisyo, at tiwala.

Umaasa na ang buong mundo, kabilang tayo sa Pilipinas, ay nagbibigay­an. Pinalamya ng trade war ang pandaigdig­ang kalakalan, na nagpahirap sa mga bansa. Kapag ito ay nagpatuloy, pinanganga­mbahan ang World Trade Organizati­on, gayundin ang kalagayan ng ekonomiya sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines