Balita

Sylvia at Joey, may reunion project after 2 decades

- Ni REGGEE BONOAN Joey, Arci,JM at Sylvia

KAYA pala panay ang workout ngayon ni Sylvia Sanchez ay dahil naghahanda siya sa bago niyang teleserye at sa Enero 2019 na ang simula ng taping nito.

Makailang beses naming tinanong ang aktres kung bakit panay ang workout niya dahil kilala namin siya na kapag inaarawara­w niya ang pagpapawis ay may pinaghahan­daan, pero lagi kaming sinasagot ng: “Wala, gusto ko lang magpapayat kasi ang taba ko na naman, wala kasi ako ginagawa kaya kain ako nang kain.”

Naniwala naman kami kasi totoo rin naman na nagdagdag na naman siya ng timbang dahil makailang beses siyang pumunta ng Bangkok para lang kumain ng mga paborito niyang prutas.

“Ang sasarap kasi ng pagkain doon at mura pa, ang daming prutas, dito sobrang mahal,” katwiran niya sa amin noon.

Hayun, may sagot na ang mga tanong namin dahil nitong Miyerkules ay may storycon si Ibyang kasama sina JM de Guzman, Arci Muñoz, Joey Marquez at maraming iba pa para sa working title na #ProjectTad­hana mula sa unit ni Direk

Ruel S. Bayani.

Nakita namin sa mga litratong naka-post social media ang naganap na storycon kaya kaagad naming chinat si Sylvia para sa mga detalye tungkol sa bago niyang teleserye.

“Jan (January) start mag-asawa kami ni Joey walo anak ‘yan palang,” sagot sa amin ng aktres.

Sa video post ay nabanggit ni Ibyang na ang saya-saya niya nang tanggapin ng komedyante­ng si

Joey Marquez ang project dahil ipinanalan­gin daw niya na muling makasama ang komedyante.

“Ipinagdasa­l ko na matuloy si Joey na asawa ko kasi alam kong busy siya, dramedy ‘yung gagawin namin, alam ko magaling si Joey sa drama at comedy madadala niya ako. Matutulung­an niya ako sa lahat ng eksena.

“Noong bago akong pasok sa showbiz ilang pelikula magkasama kami, siya leading man ko na lahat comedy ang ginawa namin. Hindi ko na tanda ang title (pelikula).

“Noong pinitch sa akin ang istorya ng ‘#ProjectKap­alaran’, dramedy daw at sinabi si Joey Marquez ang kinukuha nilang maging asawa ko kaya na-excite ako. Kaya nu’ng nag-confirm siya at dumating siya sa storycon, ang saya-saya ko,” mahabang kuwento ng aktres.

Ang binabanggi­t ni Sylvia na unang pelikula niyang kasama si Tsong Joey ay ang Student Body

(1989) sa Regal Films.

“Hindi ko siya partner sa Student Body pero kasama ako, sa ToraTora Bang Bang, mga pulis kami magkakasam­a at may tatlong movies pa, nalimutan ko na title,” sabi pa niya.

Bigla tuloy naming naalala ang kuwento nu’ng nabubuhay pa ang manager ni Sylvia na si tita Angge (Cornelia Lee), na sunudsunod noon ang pelikula niya sa Regal Films at nakatakda na siyang i-launch as bida sa pelikula pero bigla siyang nawala.

“Nabuntis na kasi ako noon kay

Arjo (Atayde) kaya hindi natuloy ang launching ko as bida. Okay lang walang pagsisisi sa part ko kasi ang saya-saya ko ngayon, ang gaganda ng mga anak ko,” saad pa.

Bakit nga ba walo ang anak nila ni Joey sa #ProjectKap­alaran?

“Di ko alam,” kaswal na sabi ng aktres.

Personally, gusto rin ba niyang umabot sa walo ang anak nila ni Papa Art Atayde?

“Anim lang. Kaya nga hanggang ngayon ay kinukulit ko si Art na magbuntis pa ako ng isa pa, kasi ayaw na ng asawa ko at matanda na raw siya para magkaanak ulit,” natatawang kuwento ni Sylvia.

As of now ay wala pang direktor ang #ProjectKap­alaran at anak ng aktres si JM na leading man naman ni Arci.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines