Balita

James at Michela, ‘di totoong hiwalay na

- Nitz Miralles

HINDI naman pala totoo ang tsika na hiwalay na sina James Yap at ang partner nitong si Michela Cazzola dahil noong isang araw ay magkasama ang dalawa nang i-celebrate nila ang fifth month ng baby girl nilang si Francesca.

Nag-post si James ng picture kasama si Michela at dalawang anak nilang anak, caption niya, “Happy 5th month to our princess Francesca! Papa and Mama will always be here for you. We love you very much.”

Caption naman ni Michela sa the same photo, “Happy 5th month, my adored princess!”

The next day, magkasama pa rin sina James at Michela sa first real haircut ng eldest nilang si Michael at nabanggit ni Michela na “Full support for my Michael’s first (real) haircut. I have been trimming his hair for months.”

Natsismis kasing hiwalay na ang dalawa dahil hindi kasama ni James si Michela nang dumalo siya sa kasal ng kapatid. Nakadagdag pa sa tsismis na hiwalay na ang dalawa ang mga sagot ni Michela sa comments ng netizens.

Sinosopla kasi ni Michela ang mga nagtatanon­g at nakikialam sa kanila ni James. Nag-post pa nga ng, “Can you be sarcastic enough to reach my level of sarcasm?” na sinundan ng post ng quotation card na, “People who reply to my sarcasm with sarcasm are my favorite.”

Anyway, at least mali ang balitang hiwalayan at buo pa rin ang pamilya nina James at Michela kasama ang kanilang dalawang anak.

 ??  ?? James, Michaela at mga anak
James, Michaela at mga anak

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines