Balita

Gabby Concepcion, kabi-kabila ang raket

- Ni NORA V. CALDERON

ILANG buwan na ring natapos ang top-rating Afternoon Prime drama series na Ika-6 Na Utos ni Gabby

Concepcion, at early next year na siya uli mapapanood sa isa na namang teleserye sa GMA Network, dahil kaka-renew niya lang ng panibagong exclusive contract bilang Kapuso.

Hindi naman nawawalan ng TV guestings si Gabby, kaya happy pa rin ang fans niya kahit wala pa siyang regular show. At hindi rin siya namimiss ng mga tagusporta niya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, dahil tuluytuloy ang pagtanggap niya ng raket for shows, hosting sa mga show at beauty pageant. Ilang buwan din siyang nagshow sa Casino Filipino, sa iba’t ibang lugar sa bansa at mabenta talaga sa mga shows here and abroad. Kaya kapag wala siyang raket sa Pilipinas, siguradong nasa abroad siya.

Gaya ng katatapos lamang niyang show na tumagal ng dalawa linggo sa Melbourne, Australia.

Exciting iyon para sa kanya dahil first time niya roon. Kuwento niya, kapag wala siyang show ay nililibot niya ang iba’t ibang points of interests doon, gaya ng Melbourne Zoo.

Siyempre hindi niya nalimutan ang pagtikim ng mga pagkain doon gaya ng lamb chops. Ilang araw din niyang nilibot ang Canada para sa iba’t ibang shows doon.

Sa bansa naman, puro TV guestings ang ganap niya, gaya ng pag-guest niya sa Christmas presentati­on ng Pepito Manaloto.

Samantala, aalis uli sa December si Gabby dahil may show siya sa Memphis, USA, ang Pasko Sa Memphis ... Isang Gabby ng Musika at Kasayahan

na gaganapin sa December 8, 2018, ganap na 5:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi, sa UC Ballroom, University of Memphis.

Noong Oktubre, nagkaroon na ng story conference ang next teleserye niya, na tinawag niyang Rome-antic Comedy (RomCom) kasama ang bago niyang leading lady, si Jennylyn Mercado. Excited na raw siya unang beses pa niya lang magkakatra­baho ng Ultimate Actress ng GMA Network, at isa pang romantic comedy.

 ??  ?? Gabby
Gabby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines