Balita

Azealia Banks tinudyo si Iggy Azalea dahil sa detox tea ads

-

KINUTYA ng Kontrobers­yal na si Azealia Banks ang kanyang rap rival na si Iggy Azalea online, at sinabi maaaring “broke” na ang huli dahil kinailanga­n na nitong i-promote ang isang detox tea sa social media, ayon

sa Cover Media.

Ang Fancy hitmaker ang pinakabago­ng celebrity na nag-advertise ng meal replacemen­t shakes mula sa Flat Tummy Co., at nag-post ito sa kanyang Instagram at Twitter pages nitong Lunes, upang ipakita ang kanyang figure suot ang sports bra at sweat pants.

“Y’all can’t even hate on it,” panimula niya sa caption. “@flattummyc­o’s meal replacemen­t shakes have gotten me more definition in my tummy without losing my a**, and they’re 20% off RIGHT NOW.”

Nakuha ng post ng Australian star ang atensiyon ni Azealia, na talaga namang kinutya at pinagtawan­an si Iggy dahil naging kinatawan ito ng isang diet product, na ineendorso rin nina

Khloe at Kim Kardashian.

“Awww, Iggy is Broke (sic),” post ni Azealia sa screenshot ng Twitter post ni Iggy, na ipinost naman niya sa kanyang Instagram Story timeline. “I remember when I had to do flat tummy tea ads for a little weave money. Those were rough times. And she had the nerve to make fun of my soap. Yikes.”

Kamakailan ay binatikos ni Iggy si Azealia dahil sa pagpo-promote ng kanyang Cheapy XO soap brand sa social media.

“Never hating on a girls hustle, but I predict she will be moving back in with her parents in Australia soon,” aniya. “I can throw you a bone and pay you to promote the Kangaroo Jane shampoo bar if you are interested,” buwelta naman ng 212 rapper kay Iggy.

Wala pang sagot si Iggy pinakabago­ng online attack ni Azealia, ngunit mukhang hindi isusuko ng busty blonde ang kanyang music anytime soon – kamakailan lang ay pumirma siya ng bagong $2.7 million (£2.1 million) record deal sa mga boss ng hip-hop label na Empire.

 ??  ?? Iggy
Iggy
 ??  ?? Azealia
Azealia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines