Balita

Bobby Brown, kinasuhan ang Showtime, BBC

DAHIL SA WHITNEY HOUSTON DOCU

-

KINASUHAN ng dating asawa ni

Whitney Houston, si Bobby Brown at ng estate ng anak niyang si Bobbi Kristina ang Showtime Networks at BBC dahil sa umano’y “unauthoriz­ed footage” na ginamit sa dokumentar­yo tungkol sa singer noong 2017, ang Whitney: Can I Be Me?.

Ayon sa reklamo, na isinampa nitong Miyerkules, sa U.S. District Court sa Manhattan, hindi umano pinayagan ni Bobby, at estate ni Bobbi Kristina ang pag-ere ng nasabing footage na ginamit sa dokumentar­yo.

Ayon pa rito, ang video ay tinatayang 15 taong gulang na, “predating Brown’s 2007 divorce from Houston and her 2012 death”, at ang paggamit nito nang walang permiso ay nakaapekto kay Bobby, sa negosyo nito at estate ni Bobbi Kristina.

“Every person should have the right to control how their identity or likeness or personalit­y, or voice, name or image is commercial­ized by others,” nakasaad sa reklamo. Ipinalabas ang Whitney:

Can I Be Me? noong August 2017 sa Showtime, isang unit ng CBS Corp, at inere naman ito ng BBC sa United Kingdom. Bilang resulta, ilang kaibigan ni Whitney ang kinapanaya­m, gayundin ang mga taong nakakakila­la sa singer.

Wala pang komento hinggil dito ang Showtime pati ang BBC. Wala pa ring sagot ang abogado ni Bobby, si Christophe­r Brown, sa mga katanungan­g ipinadala rito.

Humihingi sina Bobby ng aabot sa $2 million danyos para sa paglabag sa kanilang “rights of publicity and false advertisin­g, and an injunction against the documentar­y’s distributi­on.”

Humihingi rin ng danyos para sa iba pang pinsalang naidulot ng naturang dokumentar­yo. Kinasuhan din ang iba pang defendants.

Ang dokumentar­yo ay nakatuon sa mga problemang kinaharap ni Whitney noong kalagitnaa­n ng kanyang career, na matagal din niyang nilabanan bago tuluyang sumikat dahil sa mga awitin niyang How Will I Know, The Greatest Love of All, I Wanna Dance With

Somebody noong 1980, at ang I Will Always

Love You (1992).

Si Whitney ay 48 taong gulang nang malunod sa bathtub sa loob ng kanyang hotel sa Beverly Hills, dahil sa sakit sa puso at paggamit ng cocaine. Binawian naman ng buhay si Bobbi Kristina Brown sa edad na 22 noong 2015, dahil sa sakit na pneumonia, pagkaraan ng anim na buwan nitong pagkacoma.

 ??  ?? Bobby
Bobby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines