Balita

Carla, multitaski­ng sa showbiz at negosyo

- Ni NITZ MIRALLES

I SINASABAY ni Carla Abellana

sa showbiz career niya ang pagiging businesswo­man, at masaya siya dahil parehong maganda ang takbo ng kanyang showbiz career at ng kanyang negosyo—na balak pa niyang dagdagan next year.

Ayon mismo sa aktres nang makausap namin sa taping ng Pamilya Roces, doing well ang franchise niya ng Posh Nails, gayundin ang co-owned restaurant niyang Holy Smokes Barbeque, na nasa Makati.

“Maganda ang takbo ng both businesses, at balak ko ngang mag-franchise ng Potato Corner next year. Naghahanap na kami ng perfect location,” sabi ni Carla.

Masaya rin niyang binanggit ang feedback ng viewers sa karakter niyang si Crystal Roces. Ini-screen shot niya ang mga comments at ipinost ito sa kanyang Instagram.

“Ang sarap lang basahin ang positive comments at feeling mo, nagawa mo nang tama ang ipinagawa ni Direk Joel

(Lamangan), at kung ano ang nasa script,” sabi ni Carla. “Hindi lang naman ako, kami lahat positive ang comments ng viewers, kaya masaya ang lahat sa production.” Medyo hirap lang si Carla sa mga eksenang sinaktan niya sina Amber (Sophie Albert) at Hugo (Rocco Nacino), at may eksenang sasaktan si Maisa (Katrina Halili). Ayaw kasi ni Direk Joel ng fake na sampal at sabunot, kaya kailangan niyang totohanin, bagay na naintindih­an naman ng kanyang mga kaeksena, kaya walang isyu rito.

Sa serye, niloko ang karakter ni Carla, si Crystal, ng asawang si Hugo at ang mas masakit, sarili niyang kapatid (Amber) ang ginawa nitong kabit. Later on, patatawari­n niya si Hugo at bibigyan ng another chance.

Natanong tuloy si Carla kung in real life, mapapatawa­d din ba niya ang kanyang asawa sakaling lokohin siya nito? “Depende siguro sa sitwasyon. ‘Pag mahal mo ang asawa mo at you want to save your marriage, why not give your husband a second chance. Pero ‘pag paulit-ulit niyang gagawin, hindi na siguro, hiwalayan mo na. Sinasaktan ka na nga, ginagawa ka pang tanga. Kapag ganu’n, ‘wag mo nang patawarin,” sagot ni Carla.

 ??  ??
 ??  ?? Carla
Carla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines