Balita

Hulog ng langit

- Celo Lagmay

PAGKATAPOS ng bicam sa Universal Health Coverage (UHC) Bill, natitiyak ko na ang naturang panukalang-batas ay nakalatag na sa mesa ni Pangulong Duterte. Kung ito ay hindi mahahagip ng kanyang makapangya­rihang veto power,

ang UHC ay maituturin­g na hulog ng langit sa sambayanan, lalo na sa mga nakatatand­ang mamamayan, maralita, at marginaliz­ed sector na malimit dalawin ng mga karamdaman; maliban kung hindi ihuhulog ng Pangulo ang kanyang habag sa sambayanan­g Pilipino.

Wala akong makitang dahilan upang mag-atubili ang Pangulo sa paglagda sa UHC. Bukod sa ito ay sinertipik­ahan niyang urgent measure, ipinagdiin­an pa sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) ang pagkakaloo­b sa lahat ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusu­gan.

Ang karapatan sa kalusugan o right to health ay ginagarant­iyahan ng Universal Declaratio­n of Human Rights at ng ating Konstitusy­on. Pananaguta­n ng gobyerno na tiyakin ang pangangala­ga sa kalusugan ng taumbayan sa pamamagita­n ng kumpletong medical care at health facilities, na natitiyak kong isinusulon­g na ng administra­syon.

Biglang sumagi sa aking utak ang Botica ng Bayan na binuhay ng Duterte administra­tion. Ang naturang programa ay unang inilunsad noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ngayon ay House Speaker; adhikain nito na pagkalooba­n

ang sambayanan, lalo na ng mahihirap, ng libreng gamot.

Hindi ko matiyak kung hanggang saan na ang narating ng nabanggit na programa na pinaglaana­n ng limang bilyong pisong pondo mula sa Pagcor; kung ito ay isinulong ng Department of Health at Department of Social Welfare and Developmen­t at ng iba pang health agencies ng gobyerno.

Isa pang proyektong kahawig nito ang umusad din sa Kamara; tinawag na Libreng Gamot Program, naglalayon din ito na magkaloob ng medisina sa ating mga kababayan, lalo na sa mga senior citizen at sa mga nadgarahop na pamilya. Hindi

ko rin matiyak kung saan na ang naging progreso ng naturang medical program.

Matunog din ang pag-iral ng Malasakit Center na sinasabing nagkakaloo­b din ng medical assistance at libreng gamot sa mga nangangail­angan. Hindi ko na matiyak kung ang mga ito ay nakapaglil­ingkod sa buong sambayanan; o sa ilang lugar lamang sa bansa.

Sana, ang pagsusulon­g ng naturang mga programang pangkalusu­gan ay hindi maging produkto ng imahinasyo­n; upang ang mga ito ay hindi maging hulog ng kapabayaan at kawalan ng malasakit.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines