Balita

Tao ang nalilipol hindi droga

- Ric Valmonte

“MALIWANAG na nagagalak ang Pangulo sa paglikha ng alitan para alisin sa pansin ng mamamayan ang walang kakayahan ng kanyang gobyerno,” wika ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng public affairs committee ng Catholic

Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP). Ito ay reaksiyon ng pari sa paghihimok ni Pangulong Duterte sa taumbayan na magtayo na lang sila ng chapel sa kanilang bahay sa halip na magtungo pa sila sa simbahan. “Hindi ako nakatitiya­k kung iyong sinabi ng Pangulo ay ‘pastoral necessity’, pero iyong kanyang kamangmang­an sa gawain ng Simbahan ay nagsasabi sa ating mga Katoliko na huwag tayong maniwala sa taong ito o kaya huwag nating seryosohin siya,” sabi ng pari. Ang simbahan, aniya, ay pinaglalag­akan ng Eukaristiy­a na ito ay si Kristo sa porma ng tinapay na nirereserb­a sa tabernacle. Hindi raw dapat ilagay sa

mga bahay dahil ang panganib na ito ay lapastanga­nin ay maaaring mangyari.

Kamakailan lamang, taongsimba­han mismo ang binatikos ng Pangulo. Inakusahan niya si Bishop Pablo David na nang-uumit ng mga donasyon sa Simbahan para sa kanyang pamilya. Mayroon umanong video para patunayan na kinukupit niya ang mga prutas na iniaalay sa misa. Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo: “David nagsisimul­a na akong maghinala kung bakit ka lumalabas sa gabi. Marahil ay nasa droga ka.” Nagbabala siya na may isang bishop na puputulan niya ng ulo kapag ito ay sangkot sa droga.

Si Bishop Pablo David, na tinatawag na Bishop Ambo ng kanyang parishione­rs ng Diocese ng Caloocan, ay nagsabing “killing field” ang kanyang nasasakupa­ng Caloocan, Malabon at Navotas sa war on drugs ng Pangulo. Napakalaka­s ng kanyang boses sa pagkondena sa mga extrajudic­ial killing na naganap sa kanyang lugar. Bilang mabuting pastol, pinanganga­lagaan niya ang kapakanan at kaligtasan ng kanyang mamamayan. Nakikidala­mhati siya sa mga namamataya­n lalo na sa mga kamag-anak na labis ang pagdaramda­m dahil alam nila na walang kasalanan ang napatay at mga biktima lang ng kalupitan at kawalan ng katarungan.

Katuwang ang mga local government units ng tatlong siyudad, pinamunuan niya ang programa na nagpapagal­ing sa mga lango sa droga at pagpapaara­l sa mga batang naulila.

Ito si Bishop Ambo, na inilarawan ng hindi maganda ng Pangulo upang alisin sa mata ng bayan ang karahasan at kalupitan ng kanyang war on drugs na pinaiiral sa nasasakupa­n ng Bishop. Marami nang buhay ang ibinuwis ng sambayanan sa programang ito ng Pangulo para malipol lang ang droga. Pero, buhay ang nalilipol sa pagbawi ng mga drogang ikinalat sa bansa na pumasok o pinapasok mismo sa pantalan o paliparan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines