Balita

Mikee, wala munang love life

- Ni MERCY LEJARDE

SA taping ng GMA-7 seryeng

Onanay ay naka-one-on-one interview ni Yours Truly ang isa sa cast members na si Mikee Quintos, na gumaganap na half-sister ni Kate

Valdez, at lagi siyang tinataraya­n at inaaway ng huli.

Halimbawa na magkaroon siya ng kapatid na ganu’n, anong gagawin ni Mikee?

“Kung isa sa mga kapatid ko in real life ganun, hindi ko po masabi. Pero yung mga natutunan ko po kay Kate, eto na, character na niya si Natalie na, kahit gaano kasama ‘yung tao, merong goodness sa loob kahit kaunti,” sabi ni Mikee.

“So, siguro ‘yun. Kung totoong nangyari yun sa isa sa mga totoong kapatid ko, kung mabait ako sa kanya, dapat maging mabait din siya sa akin.”

Among the Kapuso Male stars ay si Kristoffer Martin pala ang kanyang super crush.

“Opo. Si Tuntun,” aniya with matching sweet smile on her face ). “Si Kristoffer Martin. Alam niya ‘yun, sinabi ko sa kanya. Tuntun ang tawag ko sa kanya.”

She is turning 21 this December. May love life na ba si Mikee? “Wala na po.”

Pero nagkaroon na siya ng boyfriend?

“Opo.”

Ilan na?

“Ahh, isa pa lang po.” Kelan ‘yun?

“Two years ago po ‘yung last.” Non-showbiz?

“Nasa showbiz din siya. Singer siya. Pero parang wala na rin siya sa showbiz ngayon. Si Louie po. Louie

Pedroza. Wala na po kami. Matagal na. May boyband po siya noon sa GMA. Pero even before kami mag GMA, magkakilal­a na kami.”

Ilang years kayong naging magon?

“Almost three years din. Sa ngayon, wala po akong lovelife. Bakante ang puso ko, ha, ha, ha.”

So anong favorite Christmas song ni Mikee this year na bakante ang kanyang puso?

“Christmas song? Ahh, Puso

Ng Pasko, ‘yung theme song ng Station ID ng GMA,” aniya at tumawa.

Anong gusto niyang matanggap na Christmas gift ngayong Pasko?

“Sapatos. Mahilig po ako sa sapatos.”

‘Yun ang Christmas gift na gusto niyang matanggap kay Kristoffer Martin?

“Ay, wala po ‘yun. Crush ko lang siya, si Tun Tun. ‘Yun po ang term of endearment ko sa kanya.”

Kung sabagay may pamahiin na dapat daw kapag sapatos ang ibinigay mong regalo dapat daw bigyan ng dalawang coins ang nagbigay para ‘di siya sipain. So, gets mo, Kristoffer Martin? ‘Yun na!

How about your Christmas wish?

“My Chrismas wish this 2018? Sana tumagal pa po ang airing ng

Onanay at sana matuwa ang viewers sa mga pasabog na mangyayari pa sa mga eksena namin dito.”

K, noted.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines