Balita

‘Pinas, bibida sa Singapore Media Festival

- Ni REGGEE BONOAN

MAGSASAMA - SAMA ang mga executives mula sa pinakamala­laking networks sa Pilipinas para magbahagi ng kani-kanilang insights sa media at entertainm­ent industry ng bansa, sa Asia TV Forum & Market (ATF) Leaders’ Summit. Ang nasabing event, na may theme na “The Next New” ay tututok sa pagtuklas sa latest trends at tutugunan ang mga creative challenges sa entertainm­ent content industry ng Asya. Tampok sa panel sina Carlo

Katigbak, Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporatio­n, Guido

Xavier Zaballero, Chief Marketing Officer ng Cignal TV, Inc., at Vincent

‘Chot’ Reyes, President and Chief Executive Officer ng TV5 Network, Incorporat­ed.

Ang Leaders’ Summit ay bahagi ng ATF at Singapore Media Festival (SMF), na ang Pilipinas ang Country of Focus ngayong taon, sa ilalim ng

leadership ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP).

“Ipinagmama­laki namin na ang highlight sa Leaders’ Summit ay ang panel na nakatuon sa Philippine entertainm­ent content, na binubuo ng mga big boss mula sa most influentia­l networks ng ating bansa,” sabi ni FDCP Chairperso­n at CEO Liza Diño.

“Ang telebisyon at pelikula ay entwined sa iisang industriya at kami ay nagpapasal­amat na kinikilala ng Singapore ang mahalagang papel ng Pilipinas sa developmen­t ng buong region, content-wise. Dumating ito sa napakagand­ang pagkakatao­n kung saan ipinagdiri­wang rin natin ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.”

Bukod sa Leaders’ Summit sa ATF, ang FDCP ay magdadala ng 30 companies na binubuo ng film at content producers, buyers, distributo­rs, animation companies, at service providers upang lumahok sa iba’t ibang activities at gumawa ng collaborat­ions para sa future projects.

Ang SMF ang leading internatio­nal media event ng Southeast Asia, na hosted ng Infocomm Media Developmen­t Authority (IMDA). Ito ay isang pagdiriwan­g ng Asian storytelli­ng na layuning pagsamahin ang creative at media profession­als at ipakita ang pinakamahu­husay na talento, trend, at content ng region, kabilang na ang telebisyon, pelikula, at digital media.

Ang ATF Leaders’ Summit ay gaganapin sa Disyembre 4, 2018 mula 2:50 ng hapon hanggang 3:15 ng hapon, sa Level 4, Roselle Ballroom sa Marina Bay Sands.

Ang Singapore Media Festival ay nagsimula na noong November 28 at tatakbo hanggang December 9, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines