Balita

Ika-106 na labas

- R.V. VILLANUEVA

AKTO magtatalik sina Fermin at Nenamia, napaso si Nenamia at parang nasunog ang bahagi ng laman nito na nadampian ng katawan ni Fermin.

Niyakap ni Fermin si Nenamia na alumpihit pa sa sakit. Muli, sumagitsit ang bahagi ng katawan ni Nenamia na sinasayara­n ng katawan niya. Kasabay uli ng daing, naitulak siya ng malakas ng babae.

Nakawala si Nenamia ay nakalundag pababa ng sasakyan.

Tumakbong palayo si Nenamia hanggang sa mawala sa dilim. Pero umalingawn­gaw ang pagsasalit­a niyon na malinaw na narinig ni Fermin.

“Hindi pa tayo tapos, unggoy ka!” sabi ng palayong boses ni Nenamia. “Gaganti ako sa’yo! Kung hindi sa’yo... ang gagang misis mo ang pipinsalai­n ko!”

Nakita ni Fermin, bihis na bihis na uli siya. At bumalik na siya sa harap ng manibela.

Hindi muna niya pina-andar ang sasakyan. Binayaan niyang pumanatag muna ang isip niya.

Ngayon niya naiisip: Parehong mabisa ang mga panlabang ibinibigay sa kanya ng pari. Pero ang higit na mabisa ay ang agua bendita. Na ipinaligo niya nago niya tinagpo si Nenamia.

Pero kahit paano, may pangamba pa rin si Fermin. Paano ang banta ni Nenamia?

Pero kailangan niya ang kuwintas. At wari ay tinulungan siya ni Lord. Kay dali niyang nahanap sa damuhan ang kuwintas na itinapon ni Nenamia.

Taglay ang ibagayong sigla, pauwi na si Fermin. Wala na ang takot sa kanyang utak. Kung makikipag-tagpo pa sa kanya ang babaeng iyon, alam na niya ang kanyang gagawin.

Pero paano nga pala si Nena? Hindi ba kasama sa banta niyon ang walang kamalay-malay niyang asawa?

A, may solusyon. Siguro naman, puwede siyang humingi kay father ng isa pang kuwintas at karagdagan­g benditadon­g tubig.

Naisip ni Fermin, kailangang malaman muna ni Nena ang nangyari sa kanya bago niya maibigay kay Nena ang kuwintas at benditadon­g tubig. At kailangang malaman ang kuwintas at benditadon­g tubig. At kailangan ding maibigay niya ang instruksiy­on kay Nena kung paano gagamitin ang mga iyon.

Hindi nga pala magiging ganoon kadali ang pagsasabi ng lahat kay Nena. Naiisip niya, baka matakot ng sobra ang kanyang asawa. Posibleng sumuko na lang ito. Posibleng paiwan na lang nila ang napamahal na sa kanyang property.

Nakahapuna­n na sila’y hindi niya nasabi kay Nena ang tungkol sa kuwintas at benditadon­g tubig.

Matagal na silang nakahiga, hindi pa rin makatulog si Fermin. Kailangang niyang masabi niya ang lahat sa kanyang misis. Ngayong may panlaban na siya, hindi na marahil siya sasalakayi­n ni Nenamia.

Naroon na ang katiyakan. Si Nena ang babalingan ng demonyitan­g iyon.

“May problema ka ba?” ang tanong ay mula kay Nena.

“Wala. Bakit?” tanong din niya. “Hindi yata ako naniniwala, Fermin. Kilala kita. Alam ko kung kelan ka may problema at kung kelan ka wala.”

“Wala talaga, Love. Medyo me problema lang ng konti sa mga pauntang na paninda.”

Nakumbinsi rin yata si Nena. Pero kinabukasa­n, habang nagaalmusa­l sila, si Nena ang nakapansin sa suot niyang kuwintas. Nagtanong ito kung saan iyon galing.

“Kay Father sa simbahang katedral ng Malolos. Bendidato raw ang kuwintas na ito.”

Itutuloy...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines