Balita

Nakaalalay sa mga susunod na mamamahaya­g

- Ni LEANDRO ALBOROTE (Correspond­ent simula 1990s)

SA larangan ng pamamahaya­g ay ikinokonsi­dera ang BALITA na isa sa mga pangunahin­g tagapaghat­id ng tunay at makabuluha­ng impormasyo­n sa publiko na may kaugnayan sa edukasyon, pamahalaan­g lokal at nasyonal.

Maging ang kaganapan sa ating kapaligira­n, lalo na sa serbisyo publiko, krimen, medical services, at iba pa ay tinutukan ng BALITA.

Dati ang tanggapan ng BALITA ay nasa Pasong Tamo, Makati City, at si Marcelo Lagmay ang Editor-in-Chief. Naging NPC President din siya at naging Press Secretary sa Malacañang.

Mahigit 25 taon na akong correspond­ent ng BALITA sa Tarlac at Central Luzon, at naging provincial editors sina Vangie Sarenas, Pilar Milambilin­g, ang namayapang Danny Valdez, at iba pa.

Bilang mamamahaya­g ay hindi natin makalilimu­tan ang Journalism Seminar sa Ilocos Norte, sa panahong ang NPC president ay si Tony Antonio. Bumandera noon ang

BALITA at nagabayan ang mahigit 500 high school students sa pagsusulat ng wikang Pilipino at iba pang pagsasanay.

Maging sa relief goods operation sa mga disaster areas ay naroroon pa rin ang mga correspond­ents at reporters ng BALITA na dumadamay sa mamamayan sa Central Luzon, at sa iba pang bahagi ng bansa.

Nakasama ko rin bilang kapwa correspond­ents sina Rizaldy Comanda, Ruben Veloria, Beth Camia, Nanette Valle, Salvador Arevalo, Bobbit Palma, Light Nolasco, Lyka Manalo, Charlie Pinto, Jun Fabon, Danny Estacio, Dennis at Liezel Iñigo, Chito Calaor, Eddie Bunag, Manny Dela Cruz, Fanny Panulong, ang namayapang si Lito Cayaban, Buddy Datu, Ferdie Ramos, at iba pang bumuo sa Associatio­n of Balita Correspond­ents (ASBAC).

Sa araw na ito, Disyembre 1 ay ipinagdiri­wang ang ika-47 anibersary­o ng BALITA na patuloy na maglilingk­od sa sambayanan­g Pilipino, sa ilalim ng mahusay na pamamahala nina Manila Bulletin Publishing Corp. President Emilio C. Yap III, Publisher/Editor-in-Chief Cris Icban, Jr., at ng masisipag na Team Balita sa desk, na gaya ng ilang henerasyon na ng mga naglingkod sa BALITA, serbisyo publiko sa mamamayan ang pangunahin­g layunin nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines