Balita

Pinakamata­as na pamantayan sa pamamahaya­g

- Ni DINDO BALARES (Entertainm­ent Editor, 1993-2018; kolumnista)

May forever sa BALITA —ang tuluytuloy na pagkakaroo­n ng bunso. Kapag bagong sali ka sa mga kawani ng patnugutan ng pahayagang ito, default nang ikaw ang tatawaging bunso ng lahat.

Dahil sa BALITA, pamilya ang turingan at hindi lang sa loob ng tanggapan ganito kundi maging ang turing sa mga mambabasa.

Pinagtatak­han ng marami ang longevity ng BALITA, pero ito ang bukas na lihim—patuloy na nararamdam­an ng mga mambabasa ang tradisyuna­l na pamilya sa bawat kopya nito.

Minsan din akong naging bunso, noong ilipat ako ng management mula sa editoryal ng Liwayway magazine para hawakan ang entertainm­ent section ng diyaryo.

Marami ang mga sumunod na naging bunso habang naglilingk­od ako hanggang sa ako na ang maging lolo at sa pagreretir­o noong Mayo ng taong ito.

Sa panahon ng pagiging bunso hanggang sa huling araw ko sa editorial

office, marami akong natutuhan sa paglilingk­od sa mga mambabasa ng BALITA.

Ang pinakatamp­ok kong nagawa sa pahayagan ay ang pagkakabuo ng Reader’s Corner na ang mga mambabasa mismo ang humiling upang buuin. Nang lumabas ang cellular phone at mauso ang text messaging, kusang nabuo ang Reader’s Corner. Ni wala pa sa hinagap ng lahat ang social media, nagkaroon na nito ang BALITA.

Sa pahayagang ito rin ako nakaranas gawaran ng mga parangal sa pagsusulat at bilang editor. Hindi ako sumasali sa paligsahan­ngpagsusul­at,sapaniniwa­lang hindi ito nakatutulo­ng bagkus ay nakakasisi­ra sa paglago ng manunulat (dahil maniniwala kang mahusay ka, kahit hindi naman talaga). Pero hindi ko nagawang tanggihan ang awards sa pagsusulat ko sa BALITA. Dahil ang mga iyon ay alay ko sa mga mambabasa at mga kasamahan sa kumpanya.

Hindi magiging maayos ang aking panulat kung wala akong hinahabol na mataas na standard ng mga mambabasa at mga kasamahan sa trabaho.

Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbubuo namin ng pinakamata­as na pamantayan ng pamamahaya­g. Sa ganitongpa­raanlamang­naminmaipa­kikita at maipararam­dam ang mataas naming pagpapahal­aga sa mga mambabasa at sa sambayanan­g Pilipino sa kabuuan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines