Balita

2-BUWANG OIL PRICE ROLLBACK

- Ni MYRNA M. VELASCO May ulat ni Genalyn D. Kabiling

Tuluy-tuloy na bumababa ang presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na dalawang buwan, at ngayong weekend ay muling magpapatup­ad ng panibagong P2 rollback sa kada litro ng diesel, gasoline, at P1.50 naman ang tatapyasin sa kerosene.

Inihayag ng mga pangunahin­g kumpanya ng langis sa bansa na magsisimul­a ang rollback pagpasok ng weekend hanggang sa Martes, Disyembre 4.

Ang muling malaking bawaspresy­o ay dulot pa rin ng pagbaba ng pandaigdig­ang presyo ng gasolina sa world market.

Kaugnay ng sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng gasolina sa nakalipas na walong linggo, naghain na ng rekomendas­yon ang Developmen­t Budget Coordinati­on Committee (DBCC) sa pamahalaan hinggil sa pagbawi sa suspensiyo­n ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

Kapag nagkataon, maaasahan ang pagtaas ng excise tax sa produktong diesel sa P4.50 kada litro sa Enero 2019, mula sa P2.50/litro sa kasalukuya­n, habang aakyat din sa P9.00/ litro ang buwis sa gasolina mula sa kasalukuya­ng P7.

Kaugnay nito, inirekomen­da ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang pagtataas ng excise sa 2019.

“Heisstudyi­ngtherecom­mendation,” saad sa text message kahapon ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo. “We advise the public to wait for the President’s decision in this regard. The President’s decision will, as always, be based on national interest and benefit to the people.”

 ?? JANSEN ROMERO ?? AMA NG KATIPUNAN Nagsagawa ng cultural dance sa wreath-laying ceremony sa harap ng Kartilya ng Katipunan Shrine sa Maynila para sa ika-155 anibersary­o ng kapanganak­an ni Andres Bonifacio kahapon, Bonifacio Day.
JANSEN ROMERO AMA NG KATIPUNAN Nagsagawa ng cultural dance sa wreath-laying ceremony sa harap ng Kartilya ng Katipunan Shrine sa Maynila para sa ika-155 anibersary­o ng kapanganak­an ni Andres Bonifacio kahapon, Bonifacio Day.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines