Balita

Digong, gumastos ng bilyon sa armas

- Genalyn D. Kabiling

Gumastos na si Pangulong Duterte ng bilyong piso sa pagbili ng mga bagong baril ng militar at pulisya laban sa mga rebelde.

Aminado ang Pangulo na “sick and tired” na siya sa walang pakundanga­ng pag-atake ng New People’s Army (NPA), na nagreresul­ta sa pagkamatay ng mga sundalo at pulis kaya nagdesisyo­n siyang bumili ng mga bagong armas.

“I have decided to give you sidearms, all of you. As a matter of fact, it costs me about a billion pesos to provide every one of you,” sinabi ni Duterte sa pagtitipon ng mga sundalo sa Camp Rajah Sikatuna sa Bohol.

“Pagtapos ng December ma-deliver na lahat,” dagdag ng Pangulo.

Kamakailan, namahagi ang Presidente ng mga bagong Glock pistol sa government security forces matapos siyang bumisita sa kampo ng militar at pulisya.

Aniya, nangangamb­a siya sa kaligtasan ng mga pulis at sundalo, lalo na kapag off-duty na ang mga ito at wala na silang armas sa kabila ng banta ng mga rebelde.

“I’m sick and tired of their style where they kill soldiers when they go home to their families. You wait for them in the terminal and then you board the same truck and shoot them even when they are unarmed so now I gave all army and police personnel new guns,” ani Duterte.

Ang insidente ng mga pag-atake ng mga rebelde ay nag-udyok sa plano ng Pangulo na bumuo ng death squad na ipantatapa­t umano sa liquidatio­n squad ng NPA.

Gayunman, dumepensa ang Malacañang sa nasabing plano ng Pangulo, at sinabing ideya pa lang ang pagbuo ng death squad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines