Balita

ROTC ‘di bubuhayin para sa WPS

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Itinanggi ni Department of National Defense (DND) Spokesman Director Arsenio Andolong na ang planong muling pagbuhay sa Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) program ay may kinalaman sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang panayam, sinabi ni Andolong na ang intensiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng ROTC program ay para lamang muling pasiglahin ang papel ng mamamayan sa bansa.

“Hindi naman. We are doing this not as a response to current events or to any... its not directed against any country. It’s because we have forgotten our role as citizens at binabalik ng Pangulo ‘yun eh,” ani Andolong.

Binanggit ni Andolong na sa kasalukuya­n, ang Pilipinas lamang ang tanging bansa na hindi nagsasanay ng reservists.

“Sa ibang bansa mandatory ang military training sa mga

citizens. Singapore nga two years (while) in Israel once a reservist, always a reservist. Sa US they have National Guard,” ani Andolong.

“Tayo lang ang hindi nagsasanay ng ating kabataan. At iyun nga hindi natin masabi kung kailan magkaroon ng situation (na) mangangail­angan tayo ng able-body citizens who would know how to fight and defend the country. Wala tayo pagkukunan,” idinugtong niya.

Ayon kay Andolong, sa ngayon ay mayroong tatlongpan­ukalang batas na nagsusulon­g ng pagbabalik ng mandatory ROTC sa bansa.

“But nakatengga ngayon sa Congress kasi ‘di pa [sila] nagmemeeti­ng to finally integrate all the three bills,” aniya.

“So baka naiinip na ang pangulo sabi “Teka muna, mejo buhayin naman natin mandatory ROTC”. So pinupush namin iyun,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Andolong na magkakaroo­n ng mga hakbang para tiyakin na hindi aabusuhin ng commandant­s at tactical officers ng ROTC program ang kanilang mga kapangyari­han.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines