Balita

OFWs sa Saudi matamlay na, ibang bansa humahataw

- Ellson A. Quismorio

Ipinagkibi­t-balikat ni ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III ang epekto ng pagbaba ng deployment ng overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia sa katwirang napupunan naman ito ng pagtaas ng deployment sa ibang bansa.

“While Saudi Arabia’s labor market is shrinking, the demand for Filipino workers in other parts of the globe – in Asia, North America and Europe – continues to expand,” anang mambabatas na bahagi ng House Minority Bloc.

Sinabi ni Bertiz na batay sa preliminar­y figures, ang inaasahang bilang ng land-based Filipino workers na maipapadal­a sa iba’t ibang panig ng mundo ngayong taon ay aabot sa 1.9 milyon.

“Of the 1.9 million, some 21 percent or 400,000 are new hires, while around 79 percent or 1.5 million are rehires,” ani Bertiz.

Nauna nang nagbabala ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng 30- porsiyento­ng pagbaba sa bilang ng OFW na patungo ng Saudi Arabia ngayong taon dahil sa “Saudizatio­n.”

“Saudizatio­n simply means that certain job openings in Saudi Arabia previously available to foreigners, including Filipinos, may no longer be there because these are now being reserved for (Saudi) nationals,” paliwanag ng mambabatas.

Kasabay ng paghina ng deployment ang pagbaba rin ng ipinapadal­ang pera ng OFWs sa Saudi Arabia ng 12.3% sa $1.662 bilyon sa unang siyam na buwan ngayong taon mula sa $1.894B sa parehong panahon noong 2017, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Gayunman, sinabi ni Bertiz na ang pagbaba ng cash remittance­s mula sa Saudi Arabia ay napupunan ng perang nagmumula sa OFWs sa ibang bansa, tulad ng Singapore na tumaas ng 5.8% sa $1.386B sa unang siyam na buwan ng 2018) at Japan na tumaas din ng 4.4% sa $1.131B.

Ang iba pang malalaking pinagmumul­an ng OFW remittance ngayong taon ay ang United Kingdom, Canada, Germany, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, South Korea, The Netherland­s, New Zealand, at Norway.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines