Balita

Ice cream vendor, 8 pa huli sa drug ops

- Orly L. Barcala

Arestado ang isang ice cream vendor at walo pang lalaki sa antidrugs operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa report ni Police Chief Insp. Jowilouie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), kay Police Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang mga nadakip na sina Federico Catabangan, 51, ng Telecom Compound, Barangay Karuhatan; San Mig Carbanes, 42, ng No. 37 Tumana Hills, Bgy. Marulas; Fernando Igma, 38 ng San Miguel Reyes Compound Reyes Compound, Road 5, Bgy. Marulas; James Co, 42, ng No. 100 Daez Street, Bgy. Karuhatan; Ranilo Tejoso, 50, ng No. 5242 Demetillo St., Bgy. Gen. T. De Leon; Averry Molita, 39, ng No. 5223 Demetillo St., Bgy. Gen. T. De Leon; Joey Padrinao, 39, ng No. 4228 Bernardino St., Gen. T. De Leon; Gerald Bleches, 25, ng Sitio Buhat Tres Maambungan, Antipolo City; at ang ice cream vendor na si Laurence Tordesilva, 52, ng No. 2 Salinas St., Bgy. Marulas.

Ayon kay Bilaro, nagkasa ng anti-drugs operation ang mga tauhan ng SDEU sa Independen­ce St., Bgy. Gen. T. De Leon, bandang 4:30 ng hapon.

Sa tulong ng kanilang asset, bumili ang mga awtoridad ng droga sa mga suspek.

Sa pag-abot ng droga, dinamba ng mga pulis ang mga suspek, kasama Tordesilva na nagtitinda ng ice cream noong oras na iyon.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 pakete ng umano’y shabu at marked money.

Samantala, nilantakan ng mga residente ang paninda ni Tordesilva.

“Sayang po kasi baka matunaw lang kaya kinain na namin,” ayon sa mga residente.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines