Balita

Matigas si Trillanes

- Bert de Guzman

TALAGANG matigas si Sen. Antonio Trillanes IV, kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Siya ang lalaking may tunay na “balls” kumpara sa ibang lalaking senador na halata ng taumbayan na takot kay PDu30. Urong daw ang mga “yagbols”.

Noong Miyerkules, sinabi niyang handa siyang magpakulon­g kapag napatunaya­n ni Mano Digong na nakagawa ng katiwalian ang kanyang mga magulang sa pakikipagt­ransaksiyo­n sa Philippine Navy, maraming taon na ang nakalilipa­s.

Si Trillanes ay mahigit na pitong taong nakulong noong panahon ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay Speaker ng Kamara, dahil sa kasong kudeta at rebelyon. Welcome sa senador na beterano sa bilangguan ang pahayag ni Pres. Rody na iniimbesti­gahan ang umano’y kuwestiyun­ableng government contracts ng yumaong ama at ng 84-anyos na ina na supplier noon para sa Navy.

Matatag na pahayag ni Trillanes: “In fact, I’ll raise the ante. If the president finds anything anomalous, again, I would voluntaril­y walk into any detention facility, even Davao.” Pinagsabih­an niya ang Pangulo na sana’y magpakita man lang ng galit sa smuggling ng bilyunbily­ong pisong halaga ng illegal drugs (shabu) na nakaluluso­t sa Bureau of Customs (BoC), at ipag-utos niya ang manhunt sa mga drug lord.

Noong panahon ni Nicanor Faeldon sa BoC, may nakapuslit na P6.4 bilyong shabu na natagpuan sa isang bodega sa Valenzuela City. Hindi sinibak ni PRRD si Faeldon at inilipat sa Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo. Siya ngayon ang hepe ng Bureau of Correction­s (BuCor), kapalit ni Bato dela Rosa.

Nitong si ex-Gen. Isidro Lapeña ang BoC commission­er, nakalusot din umano ang P11 bilyong halaga ng shabu na laman ng apat na magnetic lifter na natagpuan sa GMA, Cavite. Gayunman, empty na ang mga lifter nang matuklasan ng mga tauhan ng PDEA. Hindi rin sinibak si Lapeña. Siya ay inilipat at hinirang na bagong puno ng TESDA.

Kapansin-pansin, sabi ng mga netizen at taumbayan, na kapag tauhan o pinuno ng militar at PNP ang sangkot sa anomalya at shenanigan­s, hindi sila sinisibak at kinakasuha­n. Tulad ng dalawang opisyal ng Office of the Adviser on the Peace Process (OPAPP) na nasa ilalim ni Jesus Dureza na sinibak agad ni PRRD dahil umano sa kurapsiyon. Napilitang magbitiw si Dureza sa patakarang command responsibi­lity.

Sabi nga ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko-pilosopo: “Kasi ang dating mga heneral ay may impluwensi­ya pa sa mga kawal at pulis kung kaya sakaling maisipan nilang magrebelde at magkudeta, kaya pa silang pigilan ng mga retiradong pinuno.”

Tungkol sa drug war ni PRRD, sinabi ng PDEA na may 5,000 na ang napatay na drug pushers at users sapul nang maupo bilang presidente si Mano Digong. May 161,584 drug personalit­ies ang nadakip sa 113,570 anti-drug operations.

Nagtatanon­g ang mga kababayan: Ilang drug lord at smuggler ang naitumba ng pulis at vigilantes sa bilang na ito? O karamihan ay ordinaryon­g mga tulak at adik lang ang naitumba dahil “nanlaban” samantalan­g ang mga panginoon ng droga ay humahalakh­ak patungo sa mga bangko para magdeposit­o ng limpak-limpak na salapi? Naniniwala ako na masidhi ang pagnanais ng ating Pangulo na masugpo ang salot na illegal drugs at terorismo. Kailangan ang tulong ng mga Pinoy!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines