Balita

Grade 10 student, kinatawan ng ‘Pinas sa Miss Teen Int’l

- Ni ROBERT REQUINTINA

ISANG 15 taong gulang na estudyante mula sa Colegio San Agustin sa Makati City, na isa ring modelo, ang napili para maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Teen Internatio­nal 2018 contest na gaganapin sa New Delhi, India, sa Disyembre 12-19.

Si Simone Nadine Bornilla, na siyang kasalukuya­ng Miss Philippine Youth, ay isang Grade 10 student sa Colegio San Agustin sa Makati City. Hilig ni Nadine ang pagkanta. Siya ay isang Senior Soprano 1 member ng prestihiyo­song Augustinia­n Singers of Colegio San Agustin-Makati.

Sumailalim si Nadine sa summer training workshops sa Spotlight Artist Centre sa pamamahala ni Isay Alvarez. Nang siya ay 8 taong gulang, pumapasok din siya sa mga ballet classes sa Ballet Manila sa pangangasi­wa ni Lisa Macuja.

Ang teen queen ay isang aspiring neurosurge­on na may adbokasiya­ng “quality healthcare as a right and not as priviledge.” Ang kanyang ama ay si Dr. Jumel Bornilla, who practices internal medicine.

Ika-25 taong anibersary­o ngayong taon, ang Miss Teen Internatio­nal ang oldest running beauty pageant para sa mga kabataang babae na edad 14 hanggang 19. Ito ay itinatag ni Enrique González.

Si Sofia Andersson ng Sweden ang unang nagwagi sa Miss Teen Internatio­nal noong 1993. Kinokonsid­era bilang ang pinakamala­king teen pageant, inaasahang mahigit 35 kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa mundo ang lalahok sa paligsahan.

Ito rin ang naging stepping stone ng ilan sa mga pinakamata­gumpay na beauty queens sa buong mundo.

Si Lynette Do Nascimento ang nagwagi sa Miss Teen Internatio­nal 2010. Siya rin ang kinoronaha­ng Miss Aruba World 2016.

Kinoronaha­n naman si Adriana Paniagua ng Nicaragua bilang Miss Teen Internatio­nal 2011. At ngayon ay siya na ang kinatawan ng kanyang bansa sa 2018 Miss Universe contest.

Lumahok si Miss Teen Internatio­nal 2001 Yara Lasanta, ng Puerto Rico, sa Miss World 2010 at napabilang sa mga semi-finalists. Ngayon ay isa na siyang tanyag na journalist sa kanyang bansa.

Nanalo naman si Nazareth Cascante ng Costa Rica sa Miss Teen Internatio­nal 2009. Naging kinatawan siya ng kanyang bansa sa 2012 Miss Universe pageant.

Nagwagi rin si Lauryn Eagle, isang profession­al boxer mula sa Australia, sa Miss Teen Internatio­nal noong 2004.

Kinoronaha­n si Valerie Hernandez ng Puerto Rico bilang Miss Teen Internatio­nal 2012. Dalawang taon ang makalipas, siya naman ang itinanghal na Miss Internatio­nal.

Samantala, si Miss Teen Internatio­nal 2006 Mayra Matos naman ng Puerto Rico, ay nakasungki­t ng 4th runner-up place sa Miss Universe 2009.

 ??  ?? Simone
Simone

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines