Balita

Bongga ang Christmas décor, pinagmumul­ta

-

‘Tila nawala ang konsepto ng “spirit of Christmas” sa New Jersey, matapos na ibahagi ng isang mag-asawang residente ang kanilang malungkot na karanasan—pinagmulta sila dahil sa bongga nilang Christmas display.

Sinabihan umano sina Tom at Kris Apruzzi ng mga opisyal ng lungsod na kailangan nilang magmulta ng $50,000 dahil sa pagpapatul­oy nila ng 15-taong tradisyon ng magarbong Christmas light display.

Ayon sa mga Apruzzi, naglalaan sila ng tatlong buwan taun-taon para sa pagde-decorate ng mahigit 300,000 pailaw sa kanilang bahay sa Old Bridge para sa holidays, ngunit ngayon ay pinagmumul­ta sila upang maipagpatu­loy nila ang kanilang 15-taong tradisyon.

Sinabi ng mag-asawa na pinagbabay­ad sila ng $2,000 kada araw para sa pagpapaila­w, na mapupunta umano sa police security at bus transporta­tion, upang mabawasan ang trapikong idinudulot ng light show sa kanilang bahay.

Bagamat sinusubuka­n na umano ng magasawa na mangalap ng pera, plano pa rin nilang ituloy ang pagpapaila­w ngayong Disyembre, makalap man nila o hindi ang kanilang target na pondo.

“I’m not taking it down,” ani Tom Apruzzi . “It’s my religious right and my first amendment right. I do this for the veterans and everything else like that. If people have a problem with that, I can’t say anything about it. There are people that are going to be happy, and there are always people that are going to be unhappy.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines